^

Pang Movies

Kaya bumalik ng Kapuso, Kiko Estrada nasaktan sa pagkakatsugi sa Mirabella

- Vinia Vivar - Pang-masa

Sa presscon ng Strawberry Lane na bagong serye ng GMA 7 ay nakatsikahan namin si Kiko Estrada na isa sa mga bida. Balik-Kapuso na siya ulit matapos na pansamantalang lumipat sa ABS-CBN noong 2012.

Matatandaang si Kiko sana ang isa sa magiging leading men ni Julia Barretto sa launching series ng young actress na Mirabella pero nang mag-finalize ng casting ang produksyon ay isa siya sa sinamang palad na matanggal.

We never heard of him after that hanggang sa nabalitaan na nga naming bumalik siya sa GMA 7, ang istasyong pinagmulan niya.

Aminado si Kiko na nalungkot siya talaga nang matanggal sa Mirabella lalo pa nga’t nag-audition pa siya para makuha ang role.

“Of course, nalungkot ako na natanggal ako. Sinungaling naman ako kung hindi ako nalungkot. It’s a big show. Primetime show. Prinamis ka na ikaw ang magiging bida ng ABS. I studied the role for 3 months.

“Nasaktan ako pero after now, inisip ko na lang na blessing siya. Blessing in disguise, sabi ng Papa ko. Eto ‘yung open na door na dating sarado, eto ‘yung bumukas.”

Ngayon ay ipinapangako ni Kiko na pagbubutihan niya nang husto ang trabaho niya sa Strawberry Lane, hindi lang daw doble kungdi triple or more pa.

 “Three times, 4 times na mas huhusayan, mas gagalingan,” he said.

Sa Strawberry Lane ay makakapareha ni Kiko ang isa rin sa sumisikat na young actress ng GMA 7 at nali-link sa kanya na si Kim Rodriguez.

Magsisimula na sa Sept 15 ang serye bilang kapalit ng Niño at bukod kina Kiko at Kim, bida rin dito sina Joyce Ching, Joanna Marie Tan, Rita de Guzman, Bea Binene, Jeric Gonzalez, and Jake Vargas kasama sina Sunshine Dizon, Sheryl Cruz, TJ Trinidad, Christian Bautista, Chanda Romero, and Boots Anson-Roa.

Sa young actor nasasabi ang mga problema Kim bestfriend ang turing kay Kiko

Dalawang beses nang nabigyan ng lead role si Kim Rodriguez sa GMA 7, ang una ay sa Kakambal ni Eliana at pangalawa naman ay ang Paraiso Ko’y Ikaw. Kaya naman hindi maiwasang maitanong sa kanya sa presscon ng Strawberry Lane kung ano ang feeling niya na after two lead roles, dito sa bagong serye ay marami silang bida.

Hindi ba niya napi-feel na parang na-demote siya?

 “Hindi naman. Para sa akin, walang isyu kung ilan man kami o hindi man ako bida. Kasi alam ko na bawat role namin, mahahalaga.

 “Kung baga, hindi mabubuo ‘yung isang buong show kung wala ‘yung role na ‘yun,” say ni Kim.

If there’s anything, pasasalamat ang mas nararamdaman ni Kim dahil sa mga magagandang projects na ibinibigay sa kanya ng kanyang home network. Proud nga niyang ikinuwento na kalilipat lang daw niya sa sariling condo unit niyang pinaghirapan mula sa kanyang mga kinikita.

 “Simula po sa Tween Hearts, pinag-ipunan ko na po ‘yun,” say ni Kim.

Solong namumuhay si Kim simula nang mamatay ang lola niya, kaya nakakabilib din ang pagigiging matapang at independent ng young actress.

Samantala, tungkol sa love life, ayaw umamin ni Kim sa tsismis na boyfriend na niya si Kiko. Friends lang daw sila simula pa noong Tween Hearts pero aminado naman sila pareho na special sila sa isa’t isa.

Ayon kay Kim, si Kiko raw ang maituturing niyang pinakamatalik niyang kaibigan sa showbiz na laging nandiyan sa tabi niya’t never siyang iniwan through good and bad times.

Kay Kiko raw niya nasasabi lahat ng mga problema niya, lahat ng nararamdaman niya at thankful siya sa malasakit ng young actor sa kanya.

vuukle comment

BEA BINENE

KIKO

KIM

KIM RODRIGUEZ

NIYA

SIYA

STRAWBERRY LANE

TWEEN HEARTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with