^

Pang Movies

Kring-Kring ipakikita ang ilang natirang alaala sa nasirang bahay sa Tacloban

Pang-masa

MANILA, Philippines - Ngayong Miyerkules sa Powerhouse, samahan si Kara David na silipin ang buhay at bahay ni Cristina Gonzales.  

Una siyang nakilala bilang singer na si Kring-Kring Gonzales, kalaunan ay pinasok niya ang pagpapaseksi. Nang makilala ang asawang si Alfred Romualdez ay nanirahan sila sa Tacloban, Leyte. Tuluyan nang iniwan ni Cristina ang showbiz pero may bagong mundo naman siyang pinasok. 2007 nang tumakbo at nanalo sa eleksyon si Cristina bilang konsehal samantalang mayor naman ang kanyang asawa. 

Ang  bahay  ng mag-asawang Romualdez  sa isang exclusive subdivision sa Makati ang kanilang pangalawang tahanan. Dito sila umuuwi kapag lumuluwas mula sa Tacloban. Dekada 70 nang mabili ang bahay na ito ng biyenan ni Cristina. Binata pa lamang ang kanyang asawa ay dito na ito nakatira. Country at minimalist ang tema ng buong bahay.

Isang kakaibang istilo ang kapansin-pansin sa tahanan ng mga Romualdez at ito ay ang disenyong paikot ng bahay. Magkakarugtong ang mga silid nito sa pamamagitan lang ng mga pintuan.  

Sa bahay, makikita ang kaunting alaala na naisalba nina Cristina mula sa pana­nalasa ng bagyong Yolanda sa kanilang bahay sa Tac­loban.

Ikukwento rin ni Cristina kung paano sila binago ng trahedya at ang muli nilang pagbangon. Huwag palalampasin ang Powerhouse ngayong Miyerkules alas-kwatro ng hapon sa GMA 7.

vuukle comment

ALFRED ROMUALDEZ

BAHAY

CRISTINA

CRISTINA GONZALES

KARA DAVID

KRING-KRING GONZALES

NGAYONG MIYERKULES

ROMUALDEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with