^

Pang Movies

Hindi na rin masaya sa career Sexy actress gusto nang kumawala sa kontrata sa isang network, pakakasal na lang sa BF

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

How true na gusto na raw magpa-release sa kanyang kontrata sa isang TV network ang isang sexy female celebrity?

Matagal na raw kasi siyang may kontrata sa network pero hindi pa raw siya nabibigyan ng project na talagang nagugustuhan niya.

Wala naman daw siyang choice kundi gawin ang mga    ibinibigay sa kanya dahil takot nga siyang ma­demanda o may makaaway sa mga taong nakatataas sa kanya sa network.

Ngayon ay parang pinag-iisipan na niyang kumawala sa kanyang kontrata dahil may iba na raw siyang gustong gawin sa buhay.

Balitang niyayaya na raw siyang magpakasal ng kanyang non-showbiz boyfriend.

Ang kondisyones nga raw ng kanyang boyfriend ay talikuran nito ang showbiz at mag-concentrate na lang sa kanilang magiging negosyo. Tutulungan naman daw siya ng abogado ng kanyang boyfriend para makawala siya sa kanyang kontrata.

Pinag-iisipan ngang mabuti ni sexy female celebrity ang kanyang magiging desisyon.

Gusto niya munang makipag-meeting sa mga bossing ng network para alamin kung may malaking plano ba para sa kanya? Kung wala naman daw ay baka piliin na lang ni sexy female celebrity ang mag-asawa at magnegosyo.

Anak ni Gary Kapuso na uli

Exclusive Kapuso na nga ang young actor at anak ni Gary Estrada na si Kiko Estrada at ang dating ABS-CBN star na si Martin del Rosario.

Naganap ang contract signing nila Kiko at Martin sa GMA 7 noong nakaraang September 2.

Unang exposure nga ni Kiko ay sa GMA 7 sa programang Reel Love Presents Tween Hearts kung saan naging ka-love triangle siya sa love team nila Barbie Forteza at Joshua Dionisio.

Lumipat siya ng ABS-CBN 2 kung saan ginawa niya ang mga shows na Angelito: Batang Ama at Annaliza. Isa siya sa dapat na makakatambal ni Julia Barretto sa Mirabella pero biglang iniba ang cast at natanggal sa series si Kiko.

Ngayon ay kasama siya sa teleserye na Strawberry Lane kung saan makakasama niya sina Bea Binene, Joyce Ching, Joanna Marie Tan at ang nababalitang girlfriend niyang si Kim Rodriguez.

Si Martin naman ay dating bini-build up ng Dos bilang leading man, pero hindi na siya pumirma ulit sa Star Magic at nag-ober da bakod na siya sa GMA 7. Una niyang naging project at ang Rhodora X.

 

vuukle comment

BARBIE FORTEZA

BATANG AMA

BEA BINENE

EXCLUSIVE KAPUSO

GARY ESTRADA

GARY KAPUSO

JOANNA MARIE TAN

JOSHUA DIONISIO

KIKO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with