^

Pang Movies

Pagpanaw ni Mark naging reunion ng pamilya Eigenmann

Roland Lerum - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Matagal na palang iniinda ni Mark Gil ang sakit na liver cancer ayon sa kapatid niyang si Michael de Mesa. Pumanaw si Mark sa nasabing sakit kamakailan. Biglang nagkaroon tuloy ng reunion ang pamilya Eigenmann sa pamumuno nina Eddie Mesa at Rosemarie Gil.

Naiwan ni Ralph Eigenmann o Mark Gil ang ilang asawa niyang sina Irene Celebre, Bing Pimentel, at Jaclyn Jose kung saan nagkaroon siya ng ilang anak tulad nina Gabby Eigenmann (Irene), Sid Lucero (Bing), at Andi Eigenmann (Jaclyn).  Hindi siya kasal sa mga nabanggit na babae.

Ang huling babae sa buhay ni Mark ang kinakasama niya ngayon. May isa siyang anak dito na dalaga na rin. Kaklase ito ng kapatid niyang babaeng bunso na ipinakilala sa kanya ilang taon na ang nakararaan.

Walang burol na naganap kay Mark.  Sumailalim siya sa cremation. Dumating ang ilang mga kaibigan ng pamilya sa isang get together sa La Salle Greenhills last September 3 para alalahanin ang actor na namatay sa edad na 52.

Ilan sa pelikulang matatandaan si Mark ay ang Batch 81 kung saan sila naging mag-dyowa ni Bing P., Palipatlipat Papalitpalit, Ronda, Elsa Castillo Story (Chop-Chop Lady), at iba pa.  Pinakahuling TV guesting ni Mark ang Pepito Manaloto kamakailan.

Nagpapagaling na, Boy malapit nang mapanood uli

Wala pa rin ang King of Talk na si Boy Abunda last Sunday sa The Buzz, wala rin sa nightly show nila ni Kris Aquino na Aquino and Abunda Tonight kaya marami na ang nababahala kung ano talaga ang tunay na kalagayan ng mahusay na TV host.

Dahil sa mga samu’t saring mga negatibong naglalabasan tungkol sa sakit ng kaibigan naming si Kuya Boy, naglabas na ng mga larawan sa Facebook si Phildada Rojas, assistant ng host na naglalarawan na nasa mabuting kalagayan na ang kanyang boss Boy kasama ang partner in life na si Bong Quintana.

Sa tulong ng inyong mga dalangin sa ating Panginoon, napakabilis po ng paggaling ni Kuya Boy, kailangan na lang niyang mamahinga pa nang tahimik ang paligid at makalanghap ng sariwang hangin.  God is good all the time!  

                                                                               

 

vuukle comment

ANDI EIGENMANN

AQUINO AND ABUNDA TONIGHT

BING P

BING PIMENTEL

BONG QUINTANA

BOY ABUNDA

CHOP-CHOP LADY

KUYA BOY

MARK GIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with