^

Pang Movies

Katrina ayaw pag-usapan ang hiwalayan nila ni Kris

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Humarap sa entertainment press ang cast ng Niño na magtatapos na ngayong Setyembre. Sa panayam kay Katrina Halili sinabi nitong hiwalay na sila ng ex-boyfriend na si Kris Lawrence kung saan may love child silang isa.

Naging tahimik ang hiwalayan at hindi ito pinagpistahan ng mga press people dahil walang nagsalita kahit sino sa kanila.

Ayaw nang pag-usapan pa ni Katrina ang kanilang hiwalayan kung saan siya ang nakipag-break sa singer.

Gayunpaman gusto niyang manatili silang magkaibigan kahit wala nang relasyon alang-alang sa kanilang anak.

Dahil sa hilig sa mga kabayo, kalsada malapit sa karerahan ipinangalan kay Da King

Pinahahalagahan ng mga Batangueño ang naiambag ni Fernando Poe Jr. sa   ating industriya kaya bilang pagpupugay ay pinangalanan nilang Fernando Poe Jr., ang isang kalye sa Malvar, Batangas.

Malapit ito sa karerahan ng mga kabayo. Alam ng lahat na noong nabubuhay pa si FPJ ay may mga alaga siyang kabayo na pangarera.

Birthday ni Da King noong August 20 at 75 years old na kung nabubuhay pa si FPJ tiyak namang proud na proud siya sa mga anak na sina Sen. Grace Poe Llamanzares at pagiging magaling na aktres ni Lovi Poe.

Parents ni Rocco feel na feel si Lovi para maging manugang

Dumalo sa press preview ng Ibong Adarna: The Pinoy Adventure ang mga magulang ng bidang si Rocco Nacino na sina Ralph at Linda Nacino.

Ayon sa kanila ay boto sila kay Lovi para sa kanilang anak. Puring-puri nga ng mga ito ang aktres dahil simple lang siya, walang kaere-ere, down-to-earth at mabait pa.

Feel ng magulang ni Rocco na magtatagal ang kanilang relasyon dahil compatible sila sa maraming bagay. Kahit nasa marrying age na ang aktor malayo pang lumagay ito sa tahimik dahil prioridad nito ang kanyang career na lalong gumaganda ngayon.

Sa kabilang banda, tunay na bagay kay Rocco ang karakter bilang Prinsipe Sigasig at may plano si Direk Jun Urbano na siya rin ang gumanap sa susunod na project tungkol kay Rajah Sulayman.

 

vuukle comment

DA KING

DIREK JUN URBANO

FERNANDO POE JR.

GRACE POE LLAMANZARES

IBONG ADARNA

KATRINA HALILI

KRIS LAWRENCE

ROCCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with