^

Pang Movies

Alessandra nakaganti na kay Heart!

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Hindi na itinatago ni Alessandra de Rossi ang kanyang boyfriend na si Sid Lucero, kaya kahit sa kanyang Instagram account ay ibinabalandra na niya ang dyowa. Kung dati ay pangarap lang ni Alex sa kanyang guni-guni na magkaroon siya ng guwapo at mayamang nobyo, ngayon ay happy and proud naman siya kay Sid.

Sa indie film na Mauban nagkadebelopan ang dalawa na ang kuwento dati ni Alex ay totoong lasing siya habang umaarte sa kanyang role sa art film. Ang ending, pareho rin silang nalasing ni Sid sa lakas ng attraction nila sa isa’t isa na nauwi sa kanilang relasyon.

Ganado si Alex magtrabaho kahit hectic ang schedule niya sa show nitong Basta Every Day Happy at sa palabas na Ang Dalawang Mrs. Real.  Literal na happy araw-araw si Alex na halatang inspired dahil laging kumikinang ang mga mata nito.

Isama kaya ni Alex si Sid sa pagbabakasyon niya sa December sa Europe para ipakilala ang kanyang BF sa pamilya nito sa Italy? Kung hindi matuloy si Alex sa Italy sa December, ngayon pa lang ay welcome na siyang maki-family sa Eigenmann clan sa Christmas time.

Samantala, gumanti naman si Alex kay Heart Evangelista sa pagbubuking na engaged na sila ni Sen. Chiz Escudero kahit wala pang official announcement ang dalawa. Nag-congrats si Alex sa kanyang IG account na ipinost pa ang engagement ring sa kamay ni Heart. Naiyak naman sa sobrang tuwa si Alex nang mag-propose si Sen. Chiz sa bestfriend niyang si Heart.  Pero tinukso na rin si Alex ng ibang netizens na siya naman ang susunod sa kaibigan nitong si Heart na hinihintay agad ang pagpo-propose ng BF niyang si Sid kahit hindi pa nagtatagal ang kanilang relasyon.

vuukle comment

ALESSANDRA

ALEX

BASTA EVERY DAY HAPPY

CHIZ

CHIZ ESCUDERO

EIGENMANN

HEART EVANGELISTA

MRS. REAL

SID

SID LUCERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with