^

Pang Movies

Empress Shuck ibinuko ang lihim kung bakit pumayat!

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nangako si Dr. Vicki Belo na hindi titigil sa pagdiskubre ng mga makabagong pamamaran ng pagpapaganda at pangkalusugan para sa mamamayang Pilipino.

Sa Salamat Dok ngayong Linggo ng umaga sa ABS-CBN may bago na namang ii-introduce si Dr. Belo. Tinatawag itong Belo Exilis Plus, ito ay isang skin tightening machine na may Radio Frequency technology para maayos ang mga nakalaylay na balat sa leeg. Kaya naman ito na ang solusyon sa mga taong may ganitong problema.

Maaari rin itong solusyon sa problema sa mga taba sa tiyan bilbil, likod, braso, mga hita, at tuhod. Inirirekomenda na magkaroon ng 4-6 na sessions para sa mas epektibong resulta.

Sa show din ay tatalakayin ang Laser Lipo na sikat na sikat at mas pinipili ng nakararami. Sa paraang ito kasi direktang winawasak ang membrane kung saan nari-relase ang fatty and oily deposits para sa mas mabilis na pag-exctract ng taba.

Guest din sa naturang portion ang ABS-CBN contract star na si Empress Shuck para patunayan ang personal na karanasan sa procedure na ito. “I am no longer very conscious about my thighs. Thanks to Dr. Belo, my problem has been solved. I’d like girls out there who are so discouraged about similar concerns to stop moping and do something. Dr. Belo has the answer,” na pagbabahagi ng seksi na ngayong aktres.

Sa loob ng 24 na taon talagang ang Belo Medical Group ang nangunguna at paborito lalo ng mga artista para mapaganda ang kanilang pangangatawan.

Para mas malaman pa ang mga bagong procedure ng Belo, panoorin ang Salamat Dok mamaya alas-7:30 ng umaga sa ABS-CBN at ANC.

 

vuukle comment

BELO

BELO EXILIS PLUS

BELO MEDICAL GROUP

DR. BELO

DR. VICKI BELO

EMPRESS SHUCK

LASER LIPO

PARA

RADIO FREQUENCY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with