^

Pang Movies

Tom at Carla nagkakahawig na

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Bagay na bagay sina Carla Abellana at Tom Rodriguez. Nagkakahawig nga silang dalawa. Tiyak na matutuwa ang kanilang mga fans dahil kinumpirma ng aktor na nililigawan na niya ang aktres.

Malaki ang pag-asang mapasagot ng aktor si Carla dahil maganda ang kanilang pinagsamahan at komportable ang aktres kapag kasama si Tom. Ang aktor ang ka-date ni Carla sa premiere night ng Somebody to Love Me.

Kaya pala inspirado si Tom ngayon dahil alam niyang malaki ang posibilidad na maging girlfriend niya si Carla.

Jacob hindi umaasa sa mga magulang, tuition fee pinagpapaguran

Si Jacob Benedicto ang ikaapat na na-evict sa Pinoy Big Brother, pero hindi siya nawalan ng pag-asa. Tuloy pa rin ang pag-ikot ng mundo niya sa showbiz.

Kinuha siyang endorser ng Skin Control dahil ayon sa may-ari nito na si Kim Ilarde bukod sa guwapo ay napakaganda ng kanyang PR. Malaki ang maitutulong nito sa pagpo-promote ng kanilang clinic.

Lumaki si Jacob sa Indonesia pero noong 2005 ay nagtungo ito ng ‘Pinas at dito nag-aral at kumuha ng Communication Arts sa Dela Salle University at isang semester na lang ay magtatapos na ito.

Nagsimula sa teatro si Jacob sa Sound of Music noong 2011 hanggang lumabas sa mga komersyal. Noon ay hindi pabor ang kayang magulang sa pagpasok niya sa showbiz kahit kamag-anak nila ang mga Benedicto. Pero ngayon ay payag na ang mga magulang ni Jacob sa pagpasok nito sa showbiz kung saan susuportahan pa siya.

Gusto niyang mag-host, kumanta, at umarte. Ayaw niyang umasa sa mga magulang dahil siya ang nagbabayad ng kanyang tuition fee.

Tumutugtog siya ng trumpet at drums at maganda rin ang tinig kaya maaasahan sa pag-awit kung saan paboritong awitin ang mga kanta ni Ogie Alcasid at Apo Hikings Society.

Kaso ng babaeng may dalawang mister bibigyang payo ni Jean

Maganda ang tatalakayin sa kuwento ngayon sa Love Hotline tungkol sa isang babae na nagmahal nang sabay sa dalawang lalaki na minsan pa’y kasama sa iisang bahay.

Nang palayasin si Maricar at kinakasamang si Richard pati ang anak ay nawalang parang bula ang lalaki. Natutulog na lang sa kalye ang mag-iina. Tinulungan sila ni Jeff at nagsama sa iisang bubong. Muling nagpakita si Richard at tuwing wala si Jeff ay nandoon siya sa bahay nito.

Paano kaya kinaya ni Maricar na umibig sa dalawang lalaki? Bibigyan payo ito nina Jean Garcia at love expert na si May Soriano ngayong Biyernes 4:15 ng hapon sa GMA.

 

vuukle comment

APO HIKINGS SOCIETY

CARLA

CARLA ABELLANA

COMMUNICATION ARTS

DELA SALLE UNIVERSITY

JEAN GARCIA

KIM ILARDE

LOVE HOTLINE

LOVE ME

MALAKI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with