^

Pang Movies

Host ng nilalangaw na TV show naawa sa mga katrabaho

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Malungkot ang isang TV host, hindi sa kanyang sarili kundi sa kanyang show at sa mga taong kasama niya sa show.  No problem kasi siya dahil guaranteed ang contract niya sa network, ang pinuproblema niya, na naikuwento sa isang kaibigan, ang feeling daw niya siya lamang ang nanonood ng kanilang show dahil taped na nga ito. At ang ikinalulungkot niya, kung siya raw ay regular na sumusweldo, alam daw niya ang mga nasa production staff, pahirapang makakuha ng sweldo.

Alam din daw niyang kapag natapos ang contract niya sa network, pwede na siyang lumipat sa ibang network dahil hindi na siya iri-renew.  Tina­tapos na raw lamang niya ang contract niya at makakahinga na rin siya. Naikuwento rin ng TV host na ang isa niyang co-host ay tinatapos na rin lamang ang contract at lilipat na rin sa ibang network na may naghihintay ng project sa kanya doon.  Ayaw na lamang sabihin ng TV host na nanghinayang siya sa paglipat niya sa network dahil maganda naman ang naging usapan nila at hindi nga maipagkakaila na malaki ang talent fee na natanggap niya sa contract.

Marian naghahanap pa ng ninong at ninang sa binyag!

Sino kaya ang kukuning ninang at ninong sa binyag ni Kapuso Primetime Queen Marian Ri­vera?  Hindi pala valid dito sa atin ang binyag niya sa Madrid, Spain. Kaya kailangang magpabinyag siya rito, para maging valid ang baptismal certificate niya na isa sa requirements ng simbahan sa pagpapakasal nila ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa December 30.

Kung hindi kami nagkakamali, two years old na si Marian nang iuwi sa Pilipinas ng mama Amalia niya. Simple baptism daw lamang sa parish church nila sa Cavite ang gagawin ni Marian at kahit dalawa lamang ang ninong at ninang ay okey na.

Mukhang sasagarin ng GMA 7 ang oras nina Marian at Dingdong, kahit busy silang naghahanda sa kanilang kasal.  Extended ang dance show niyang Marian hanggang December at si Dingdong, balitang siya muli ang magho-host ng original reality talent show na StarStruck 6 na malamang magsimula ang airing sa January, 2015.  Si Dingdong ang original host ng StarStruck simula batch one hanggang five.

Derek malakas ang laban sa dating dyowang si Mary Christine

Mukhang may laban si Derek Ramsay sa kasong nai-file ng ex-dyowa niyang si Mary Christine Jolly (hindi raw kasi valid ang sinasabing kasal nila) in 2002. Napatunayan ni Derek na anak nga niya si Austin Gabriel noong 2011 pero itinago niya ito dahil minor nga ang anak.  Natanong namin si Atty. Joji Alonso, ang legal counsel ni Derek noong premiere night ng Barber’s Tales at sinabi niyang may laban nga raw si Derek para sa custody ng anak, pero hindi niya sinabi, hintayin na raw lamang ang pagharap sa court ni Derek. 

Naging emotional si Derek sa pagharap niya sa Makati City Prosecutor’s Office at sinabi niyang magsasalita na lamang siya sa tamang oras, pero lahat daw ng allegations sa kanya ay pawang mali.  Ang sinasabi kayang matibay na ebidensya ni Derek sa counter affidavit na nai-submit sa korte ay ang copy ng mga deposit slips, para sa support na ibinigay niya kay Austin, ibig sabihin, hindi niya pinabayaan ang kanyang anak?

vuukle comment

AUSTIN GABRIEL

DEREK

DEREK RAMSAY

JOJI ALONSO

LAMANG

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with