^

Pang Movies

James at Nadine bumigay sa halikan

Wilbur Hernandez - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mas kumportable pala sa Talk Back And You’re Dead ang samahan ng JaDine kaysa dati!

Nakakatuwa at nakakaaliw ang mga revelations nina Nadine Lustre at James Reid sa presscon ng Talk Back and You’re Dead sa major conference room ng Star Cinema last Saturday. Impressive ang cast dahil at exactly 12:00 ng tanghali na siyang start ng conference, aba eh on time dumating at pumasok ang main cast, along with Joseph Marco and Yassi Pressman. Wala sa kanilang dumating ng late!

Sa umaangat na level na pala ng popularidad ng love team ni James at Nadine, inamin ng dalawa na “aware po kami na mai-ko-compare po kami kina Kathniel. Pero alam po namin na sina Daniel (Padilla) at Kathryn (Bernardo) ang top love team ngayon. Mabilis po ang pagsikat nila eh. Kasi maganda naman talaga ang takbo ng careers nila,” humble na sinabi ni Nadine. Kaya siya nagsalita ng ganito dahil mismong sila ni James ay humahanga sa Kathniel. Pero nagawa pa rin nilang pasikatin ang sarili nilang team up gawa ng tagumpay sa takilya ng pelikula nilang Diary ng Panget. Ngayon ay bi­nansagan na silang JaDine na anchor love team ng pelikulang Talk Back and You’re Dead ng Viva Films at Skylight Films.

Kaya naman aware at inaasahan nilang matanong sila kung may nararamdaman silang pagkukumpara ng Jadine sa Kathniel. Pressured daw ba sila? Complimentary ba ito sa kanila?  “We don’t see it as a competition at all. In fact flattered kami ni Nadine to be compared to Kathniel because they are I think the biggest movie love team today.” kalmado’t naka-smile na sabi ni James.

Kung ganon, ano ang masasabi nilang identity at difference ng love team nila at bakit inaabangan sila sa entertainment industry ng bansa ngayon? “Siguro what makes our love team different is how other fans also follow and are getting to know Nadine and I both in a way that the majority audience follow and love the Kathniel,” maisip na sinabi ni James.

Hindi lang iyon, napansin naming hindi pilit ang chemistry ng Jadine. Aside from the fact na pareho silang unattached, their team up does not try to be anything Salve A.

Pero ang hindi alam ng marami eh nung una palang magkakilala sina James at Nadine a few years ago “nagkakilala po kami ni James dati sa mga workshops namin sa Viva,” sabi ni Nadine na sabay tingin kay James.

“May kanta kasi si James noon ang title Alam Niya Ba?” Na produced by Viva Records at siyang shinoot sa Roxas Boulevard. “Tapos ako iyung leading lady niya sa music video. Wala talaga kaming mga conversations, minsan nga “hi’ or ‘hello’ lang na madalang talaga po. Pero one time nung nagsimula na kaming magchikahan tapos nagkuwentuhan na kami in a span of a few weeks, na-discover ko na ang daldal naman pala niya.

Ayon na! Nag-start na magagandang bonding namin. And then po came Diary ng Panget doon na…I mean doon na sa stage na iyon nagsimula ang pagiging comfortable namin sa isa’t isa. Pero rito sa Talk Balk and You’re Dead, we both feel comfortable sa isa’t isa. Siguro iyun po ang isang dahilan kung kaya mga eksena naming dalawa sa Talk Balk nagiging natural ang batuhan namin ng linya.” Perhaps that explains kung bakit ang mga intimate scenes ni Jadine sa Talk Back and You’re Dead ay maganda nilang na-execute.

Yes, Salve A., we saw the rushes and sa pagdadala ng Jadine ng mga halimbawa, kissing scenes nila, hindi fake at higit sa lahat hindi sila releuctant sa paggalaw ng kanilang mga labi. Ayoko na masyadong magsalita sa parte na iyan lest I spoil the fun!

 

vuukle comment

ALAM NIYA BA

JADINE

JAMES

JAMES REID

KATHNIEL

NADINE

PERO

SALVE A

TEAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with