^

Pang Movies

Baka magka-debelopan Coco parating nakaalalay sa pagtayo at pag-upo ni KC

- Vinia Vivar - Pang-masa

Pawang mga papuri ang binitiwan ni KC Concepcion para sa kanyang leading man sa Ikaw Lamang na si Coco Martin. First time na magkatrabaho ang dalawa at say ng aktres, maalaga raw ang Teleserye King.

“Sobrang maalaga to the point na tuwing tatayo ako, tuwing uupo ako, nakaalalay siya, hindi ko alam kung may radar ba siya or something.

“Pero talagang sobrang maalaga, sobrang tutok sa mga scenes, tutok sa mga nuance, sa lahat ng mga details na nangyayari sa bawat eksena, sobrang nirerespeto ko siya,” pahayag ni KC sa grand presscon ng Ikaw Lamang last Tuesday.

Hindi ba siya na-intimidate sa aktor?

“Si Coco po kasi, team player. ‘Yun ang pinakana-admire ko kay Coco, sobrang team player. And sobrang importante po kasi ‘yung ganu’n. Para ‘yun bang naaangat lahat, so mararamdaman mo talaga na. . . baka to the point na ‘pag show ni Coco, parang mai-inspire ka na “sana kasama ako,” kasi alam mong tatrabahuhin niya talaga ‘yung bawat eksena, ini-encourage ka niya.

“Never mong mararamdaman na siya lang ‘yung nasa show or pabida siya,” pahayag ng FAMAS Best Actress.

Ayon naman kay Coco, nang marinig niyang makakatrabaho niya si KC at papasok sa Ikaw Lamang, na-excite siya since ito nga ang first time na makakasama niya ang aktres but at the same time ay may takot din daw.

“Kasi, hindi pa kami ganap na magkakilala, first time naming magkakatrabaho, hindi ko alam kung paano ba siya katrabaho. Nakaka-surprise lang dahil first time naming nagkaeksena kagabi, and then, alam mo ‘yung nakikipag-collaborate siya, lumalabas siya sa tent, nakikipagkwentuhan siya sa amin ng mga direktor, nakikipagkwentuhan siya sa staff,” kwento ni Coco.

Nakita rin daw niya ang dedication ni KC sa trabaho dahil inaalam nito ang history ng bawat character para mas lalong mapagbuti ang gagawing pag-atake.

 “Nakakatuwa kay KC na hindi porke’t nanalo na siyang Best Actress, hindi porke’t KC Concepcion na siya, eh parang “alam ko na ‘yan” or “ako nang bahala diyan”. Willing siyang matuto, willing siyang makinig. Nakakatuwa,” pahayag pa ng Teleserye King.    

Sa pagpapatuloy ng Ikaw Lamang ay ginagampanan ni KC ang role na medyo malditang anak nina Franco (Christopher de Leon) at Isabel (Amy Austria) kaya for sure ay may mga mapapanood tayong mga kamalditahan niya kay Kim.

KC at Paulo pareho Ang priorities

Habang nasa U.S. si KC ay mara­ming lumabas na issue sa kanya kaya nilinaw din ito sa kanya sa presscon. Una ay ‘yung tsismis na masama ang loob niya sa ABS-CBN dahil hindi sa kanya ibinigay ang Dyesebel at pangalawa ay ang isyung buntis siya.

“Wala pong katotohanan for both,” simulang paglilinaw ni KC.

“’Yung trip ko po to the States was really parang 3 years in the making, parang hinahanapan ko lang talaga ng timing ‘yun and since last (year of) July or August, nag-States na po yata ako nung time na ‘yun and then, du’n ko nga po naplano na parang magpapaalam ako to ABS-CBN, Dreamscape, and to Viva to see kung pwede.

“They gave me the go-signal and parang nagkataon, lumabas ‘yung Dyesebel and people were asking me lang on Twitter kung. . .kasi may lumalabas din na parang publicity na “is she playing Dyesebel?” so hindi lang po sa amin nanggaling ‘yung speculation and then, maraming nagtatanong sa Twitter.

 “I just felt the need to clear it up na hindi talaga. Pero ‘yun, pinalaki na lang po nila siguro,” say ni KC.

‘Yung buntis issue ay nalinaw na rin naman ng dalaga when she came back from the States na hindi naman daw talaga totoo. Nakakadiri lang daw isipin na pinag-iisapan siya noong una na anak niya si Miel (anak nina Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan) at ngayon naman daw ay si Miguel (adopted son ni Shawie).

Natanong din si KC kung totoo bang may offer sa kanya ang Viva Films na pagsamahin sila ni Paulo Avelino at aniya ay wala pa naman daw siyag naririnig tungkol dito.

“Wala pa pong pinag-uusapang ganu’n,” say ng aktres.

When asked kung kumusta na sila ni Paulo, say ni KC, “we’re good. We’re happy we’re on primetime together. Actually, ‘yun naman talaga ‘yung number 1 na priority namin sa ngayon.”

vuukle comment

BEST ACTRESS

DYESEBEL

IKAW LAMANG

NIYA

SIYA

TELESERYE KING

YUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with