^

Pang Movies

Cristine nakuha agad ang gusto!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Mukhang natupad kaagad ang wish ni Cristine Reyes na huwag nang gumanap sa mga sexy roles tulad ng mga adult drama movies na ginawa niya. Nang tanungin nga noon si Cristine during the presscon of Trophy Wife kung anong genre naman ng movie ang gusto niyang gawin, gusto raw naman niya ay magpatawa.  Kahit sa mga soap na io-offer na gawin niya, gusto niya ay romantic comedy series naman.

Kaya naman masaya pareho sina Cristine at Anne Curtis dahil for a change nga, pareho silang magpapatawa sa bago nilang project sa Viva Films, ang The Gifted, na idinirek ni Chris Martinez.  Sa trailer pa lamang ng movie, tama ang sabi ni Anne na marami silang gagawing pasabog ni Cristine na kahit sila, hindi nila inisip na magagawa nila, pero they love Direk Chris, kaya kahit marami silang dusang naranasan sa shooting, wala silang reklamo, dinaan na lamang nila sa pagtawa dahil sila man ay natatawa sa mga pinaggagawa nila sa mga eksena. 

Kung nakikita na ninyo ang mga pictures na pinalabas ng Viva Films, hindi ninyo mahuhulaan agad sina Anne at Cristine, dahil ang ganda ng pagkagawa ng mga prosthetics nila.

Sa movie, balik-tambalan silang dalawa kay Sam Milby na matagal-tagal na ring hindi nakagawa ng movie sa Viva Films.

Ate Guy suportado si Eugene

Sinuportahan ni Ms. Nora Aunor ang premiere showing ng Barber’s Tales bukod pa sa may special participation siya sa movie na idinirek ni Jun Robles Lana at nagkamit na ng maraming awards sa mga International film festivals abroad. 

Sumuporta rin at nanood sina Zanjoe Marudo, Sam Concepcion, Jasmine Curtis Smith, Alice Dixson at ABS-CBN broadcaster Atom Araullo at mga taga-GMA Entertainment TV, led by Ms. Lilybeth Rasonable, producer na si Mr. Antonio P. Tuviera and his director son, Mike Tuviera (na kapapanalo lamang sa Cinemalaya X ng Best Director award for The Janitor.)  Cine­malaya style ang ginawang pagpapakilala ni Direk Jun sa production staff at sa cast niya na binubuo nina Eugene Domingo (na honored sa pagdalo ni Ate Guy), Iza Calzado, Gladys Reyes, Shamaine Buencamino, dumating din si Noni Buencamino pero kinailangan na niyang bumalik sa taping niya; Nicco Manalo, Sue Prado, hindi dumalo sina Mr. Eddie Garcia at Daniel Fernando.  After maipakilala lahat, nakiusap si Direk Jun na kung magugustuhan daw ang movie, ikalat naman nila sa mga tao na maganda ang pelikula, bago sila sabay-sabay na nag-take a bow.

Ang Barber’s Tales ay tungkol kay Marilou (Eugene), biyuda, na namana sa asawa ang barbershop nito, nag-iisang barbero ang asawa niya sa kanilang barrio. Sa pagkamatay ni Jose (Daniel Fernando) sinikap niyang sundan ang trabaho nito pero maraming nagduda na kaya niya ang trabahong panglalaki.  Marcos years ang setting ng movie at ipinakita ni Marilou ang women empowerment na kayang malampasan ng mga tao ang anumang problema basta may moral courage sila at strong principles in life.

Showing na ngayong Wednesday, August 13 ang indie film produced by APT Entertainment and Octobertrain Productions.  Nabigyan ito ng Grade A ng Cinema Evaluation Board (CEB) at rated R-13 mula sa Movie Television Regulation & Classification Board (MTRCB).

vuukle comment

ALICE DIXSON

ATE GUY

CRISTINE

DANIEL FERNANDO

DIREK JUN

MOVIE

NIYA

VIVA FILMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with