^

Pang Movies

Jennylyn natakot sa big dome, first major concert dinala sa ibang venue

- Vinia Vivar - Pang-masa

Masayang ibinalita sa amin ni Jennylyn Mercado na tuloy na ang kanyang first major concert bilang selebrasyon sa kanyang ika-10th year anniversary sa showbiz.

“Naupuan na namin,” she said. “Sa The Eye siya gaganapin, sa Makati. Ako ‘yung first na magko-concert doon. Parang 360 siya na LED.”

Ang una raw talagang plano ay sa Araneta Coliseum dahil ito ang gusto ng kanyang mga producers.

“Pero sabi ko, “hindi ko kayang punuin ‘yun, huwag na kayong mangarap”, ha-ha-ha! Bigyan n’yo lang ako ng parang simple lang na thank you show, pasasalamat sa mga sumuporta, pasasalamat lang sa mga nagmamahal, tapos pasasalamat sa mga sponsors.

“Bibigyan lang namin sila ng parang show na parang. . . flashback, look back sa mga songs ko, parang ganu’n,” say ni Jen.

Ayaw daw niyang mag-take ng risk sa Big Dome at okay na sa kanya ang 1,000 capacity.

Sa kanyang 10th anniversary concert ay gusto raw niya na mag-guest ang lahat ng ka-batch niya noon sa Starstruck 1.

“Gusto ko, kumpleto ‘yung Starstruck kasi sila talaga ‘yung nagsimula sa buhay ko,” say niya.

‘Yun nga lang, hindi na makukumpleto dahil mayroon na silang ka-batch na yumao na, si Tyron Perez.

Nadine nagpasalamat sa  bashers

May mga bashers pa rin daw si Nadine Lustre at sinasabi pa ring copycat siya ni Kathryn Bernardo, pero say ng young actress dedma na lang daw siya at thankful din in a way, dahil kahit paano naman daw ay nakilala siya at naging curious ang mga tao dahil dito.

Willing ba siyang makatrabaho si Kathryn kung may offer na pagsamahin sila?

“Yes, why not?” mabilis na sagot ni Nadine.

Sa mga nagkukumpara naman sa Jadine love team and Kathniel love team, ayon kay James Reid ay flattered naman sila to be compared sa no. one love team sa bansa.

“And I guess, it’s normal naman na mag-compare sila (mga fans) since love team din sila, so, it’s okay for me. Maganda ang reputation ng love team ng Kath­niel,” say ni Nadine.

When asked kung posible bang magkadebelopan sila in real life tulad din nina Kathryn and Daniel, say ni Nadine, “it depends, kung manliligaw siya.”

May chance ba si James if ever?

“Meron, meron,” pag-amin ng young actress.

Nang matanong naman si James kung going somewhere na ba ang relasyon nila at kung may panliligaw na ba siyang ginagawa, ayon sa hot young actor ay naka-focus sila sa ngayon sa kanilang trabaho.

“On the set, we’re really close,” he said.

May posibilidad ba na maging totohanan ang kanilang on-screen romance?

“Well, when you act like you’re in-love, it’s hard not to feel a little bit of something,” say pa ng young actor na ikinakilig ng ibang press people.

Muling mapapanood si Nadine and James sa pelikulang Talk Back and You’re Dead ng Skylight and Viva Films na showing na sa Aug. 20.

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

BIG DOME

JAMES REID

KATHRYN AND DANIEL

KATHRYN BERNARDO

NADINE

NADINE AND JAMES

SILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with