^

Pang Movies

Dating pa-tweetums na si Mhyco Aquino grabe ang ginawang pakikipagtikiman sa batikang indie actor na si Arnold Reyes!

Rodel Lugo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi lang sangkabaklaan ang dumumog sa Cinemalaya baby na si Arnold Reyes pagkatapos ng Gala ng Kasal (The Commitment) noong Martes ng gabi sa CCP Main Theater. Pati mga babae ay nagtitilian para makapagpa-picture at selfie sa aktor dahil sa napakagaling na performance nito. Bukod tangi sa limang kalahok sa Directors Showcase Category ang movie ni Direk Joselito Altarejos sa Cinemalaya X na naka-R-18 dahil sa full-length bed scene nina Arnold at Oliver Aquino. Mainit ang tikiman ng dalawa na medyo nakakailang sa hindi sanay sa art films.

Kilala na si Arnold sa mundo ng indie, dahil dito nahasa ang talento ng aktor sa pag-arte. At kaya pala familiar ang mukha ni Oliver Aquino, ay dahil siya ang dating si Mhyco Aquino ng Animé, isang all-boy dance and singing group ng ABS-CBN. Kasama niya noon sa grupo ang magkapatid na Rayver at Rodjun Cruz, sina John Wayne Sace, Emman Abeleda, Sergio Garcia, at Mico Aytona. Pinili ni Oliver na pasukin ang mundo ng indie matapos mabuwag ang kanilang grupo at ngayon nga ay kapareha na niya ang batikang indie baby na si Arnold.

Gay couple of three years ang role nila sa pelikula.

Naipakita ni direk Joselito nang mahusay kung ano ang mga karaniwang conflict sa isang relasyon, mapa-hetero man o homo. Personal plans vs. pagkakaroon ng baby; faithful partner at infidelity; at siyempre, ang kasal at pagiging committed sa partner ang ilan sa na-sight sa movie.

Marami sa mga nanood ang marahil ay naka-relate kung paano mamuhay sa ating bansa ng mga gay couple. Tinututulan, tinutuligsa, at pinandidirihan pa rin sila ng karamihan bagama’t marami rin naman ang tanggap na ang ganitong sitwasyon. May dalawang babae sa harap ko na mahigpit na nagyakapan nang ipakita ang issue ng same-sex marriage sa bansa. Mayroon din akong naaninag na mga lalaking animo’y nagpapahid ng luha nang magkatensyion sina Sherwin (Arnold) at Paolo (Oliver) dahil sa pangangaliwa ng huli.

Napagkaganda rin ng theme song (Ikaw at Ako by Johnoy Danao) na bumagay sa drama movie at isa rin marahil sa nagpaiyak sa mga nanood.

Ang Kasal ay hindi lamang isang typical gay indie film. Marami ang mapupulot na aral dito lalo na pagdating sa pakikipagrelasyon at pagpapakasal. Ang pagpapakasal ay hindi basta-basta, isa itong commitment sa taong mahal mo na hindi ka gagawa ng kahit anumang bagay na ikasisira n’yo; na dapat ay hindi mo iiwan ang taong pinakasalan mo sa hirap man o ginhawa. 

vuukle comment

ANG KASAL

ARNOLD REYES

CINEMALAYA X

DIRECTORS SHOWCASE CATEGORY

DIREK JOSELITO ALTAREJOS

EMMAN ABELEDA

JOHN WAYNE SACE

JOHNOY DANAO

MAIN THEATER

OLIVER AQUINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with