^

Pang Movies

Enzo walang paki sa problema ni Aljur

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Ayaw ngang mag-comment ni Enzo Pineda sa ginawang hakbang ni Aljur Abrenica na ma-release siya sa kanyang kontrata sa GMA 7 dahil na-mismanage nga raw ng istasyon ang kanyang career.

Lumabas ang balitang may kinalaman sa pagbitiw ng Bench sa kanya bilang endorser dahil sa mga outrageous demands niya.

Endorser din ng Bench si Enzo pero wala naman daw siyang naging problema sa mga tao rito.

 “Wala po akong naging problema with Bench. Naging mabait sila at malaking tulong sila sa akin. Hindi ko naman kailangan humingi ng kung anu-ano dahil endorser lang nila ako. They can drop me anytime kung gugustuhin nila.

 “Kaya I make sure na maganda ang relationship ko with them. Kung ano ang gusto nila, gawin natin para walang problema, ‘di ba?” sey pa ni Enzo.

Wala nga raw sa posisyon si Enzo para mag-comment sa anumang reklamo diumano ni Aljur sa Bench kaya siya binitawan nito.

 “Siya na lang po ang tanungin ninyo tungkol dyan. As far as being an endorser of the brand, wala po akong problema.”

May pelikula nga si Enzo sa 10th Cinemalaya Independent Film Festival. Ito ay ang Sundalong Kanin kunsaan kasama niya si Marc Abaya.

Hiwalay na ba talaga, Beyonce at JaY-Z umaarte lang?

Patuloy nga na ipinapakita nila Jay-Z at Beyonce na maayos ang kanilang pagsasama despite rumors na malapit na silang maghiwalay.

Sa isang concert tour sila, ang On The Run sa Seattle, pansin ng audience na panay ang holding hands nila at lagi silang nakangiti. Hindi raw kasi ganito ang mga ikinikilos nila sa mga naunang shows kaya marami ang nanibago sa kanilang inaarte ngayon.

Ang kanilang Public Display of Affection nga ay paraan ng kanilang pagsabi sa maraming critics nila na “action speaks louder than words”.

Pero kelan lang ay may lumabas sa New York Post na isang “single lady” ay naghahanap ng solo apartment.

Walang binanggit ang pahayagan na si Beyonce ito pero may clue nga na “single lady” ito.

 

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

BEYONCE

CINEMALAYA INDEPENDENT FILM FESTIVAL

ENZO

ENZO PINEDA

KAYA I

MARC ABAYA

NEW YORK POST

NILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with