^

Pang Movies

Aljur binigyan ng ilusyong superstar na

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Naloka ako sa komento ng mga maid of honor ko tungkol kay Aljur Abrenica. Hindi ko akalain na updated sila sa mga showbiz news kaya shocked ako sa kanilang komento na wala nang career si Aljur dahil sa sapilitan nito na pag-alis sa GMA 7.

Sosyal ang mga maid of honor ko ‘di ba? Dinaig pa nila ang magagaling na manghuhula dahil sa opinyon nila tungkol sa pagmamaldito ni Aljur.

Hindi ako makapaniwala sa isyu na minasama ni Aljur na magka-level ang billing ng pangalan nila ni Renz Fernandez sa kanilang natapos na teleserye na Prinsesa ng Buhay Ko.

Daay, kung totoo man ang isyu, mahiya naman si Aljur sa balat niya, dahil showbiz royalty si Renz. Action superstar at award-winning actress lang naman ang ama at ina ni Renz.

Kung talagang may ganoong reklamo si Aljur, kumbinsido ang lahat na yumabang na siya at lumaki nang todo ang kanyang ulo.

Tinalbugan pa niya ang mga accomplished actor na nakayapak pa rin sa lupa ang mga paa kahit sikat na sikat sila.

Ni hindi nga malalampasan o maaabot ni Aljur ang achievements at contribution sa entertainment industry nina Rudy Fernandez at Lorna Tolentino ‘no!

Sino kaya ang nagbigay kay Aljur ng ilusyon na sikat na sikat siya at basta na lamang makakawala sa mahigpit na kontrata ng TV network na nagpasikat sa kanya? I’m sure, may tao sa likod ni Aljur dahil hindi naman nito maiisip na layasan ang GMA 7 kung walang nagsusulsol at nagbibigay sa kanya ng ilusyon na superstar na siya!

Mark blangko pa rin sa pagkamatay ng ama

Hindi pa nakakapagdesisyon ang pamilya ni Mark Herras sa araw ng libing sa mga labi ng kanyang adoptive father na si Claudio “Jun” Herras.

Namatay si Daddy Jun sa edad na 61 dahil sa kumplikasyon sa diabetes. Nakaburol ang mga labi niya sa St. Peter Chapels sa Commonwealth Avenue, Quezon City.

Dadalhin ang mga labi ni Daddy Jun sa Biñan, Laguna dahil taga-rito ang kanyang pamilya at doon na rin siya ililibing. Nakikiramay ako at ang PM (Pang Masa) staff sa mga naulila ni Daddy Jun.

Mama Pinky nagulat sa wedding proposal ni Papa Juancho

Si Erik Santos at ang mag-asawang Maricel Laxa at Anthony Pangilinan ang mga witness sa wedding proposal ni Juancho Robles sa aking best friend na si Pinky Tobiano.

Naganap ang proposal ni Papa Juancho sa post-birthday celebration ni Mama Pinky sa Balesin Island noong Sabado.

Cry me a river si Mama Pinky dahil hindi nito inaasahan ang big birthday surprise ng kanyang fiancée. Congrats Mama Pinky and Papa Juancho!

G Toengi nag-aadik!

Si Jackie Lou Blanco ang gumanap na nanay nina Cristine Reyes at Heart Evangelista sa Trophy Wife.

Ang bilis ng panahon dahil parang kailan lang, si Jackie ang bida sa ilang pelikula ng Viva Films noong bagets pa siya at ngayon, mother roles na ang kanyang ginagampanan sa dating home studio niya.

Maraming twist ang kuwento ng Trophy Wife na ikagugulat ng manonood. Hindi basta pagpapaseksi ang ginawa nina Cristine, Heart, at Derek. Kasama rin sa cast ng pelikula si G Toengi bilang drug addict na misis ni John Estrada.

Nagbukas kahapon ang Trophy Wife sa mga sinehan at very satisfied ang Viva Films sa first day box-office gross ng pelikula.

vuukle comment

ALJUR

DADDY JUN

DAHIL

G TOENGI

MAMA PINKY

PAPA JUANCHO

TROPHY WIFE

VIVA FILMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with