^

Pang Movies

Marian niregaluhan ng mga silya si Dingdong

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Nakipagkuwentuhan si Marian Rivera sa ilang entertainment press na nasa Sunday All Stars ng GMA 7 last Sunday.

Naroon siya to promote at i-launch ang TV commercial ng latest endorsement niyang Kopiko Café Blanca with Christian Bautista at Aljur Abrenica.

Siyempre, hindi pwede ang isa pang endorser, si Iya Villania dahil hindi siya pinayagan ng Channel 2.  

Hiningan siya ng reaksyon sa ginawang pagdedemanda ni Aljur sa GMA.  

At siya ba, ang mga hiningi naman niya sa Kapuso network, naibigay naman sa kanya?

“Hindi ako pwedeng mag-comment dahil hindi ko naman nakausap si Aljur,” say ng GMA Primetime Queen.  “Nagkita kami ngayon, pero no time para mag-usap kami dahil busy kami para sa production number namin.  

Yes, lahat naman ng hinihingi ko sa GMA, ibinibigay nila lahat sa akin, minsan sobra pa nga. Naniniwala akong nakukuha naman iyan sa maayos na pag-uusap.”

Mahilig bang uminom ng kape si Marian? Hindi raw naman, the most ay two cups a day, una sa umaga at ang isa pa, kapag iyong inaantok na siya dahil inabot na sila ng early morning sa taping.  Pero bago niya tinanggap ang latest endorsement, ipinatikim daw muna sa kanya at nagustuhan niya ang creamy taste nito. Biro niya, iyon din daw ang ibinigay niya kay Dingdong Dantes dahil creamy delicious din ang boyfriend.

Paano nila isi-celebrate ang birthday ni Dingdong sa August 2?

“Wala pa kaming plano kasi nasa Estancia, Iloilo siya, nag-deliver na siya at ang Yes! Pinoy Foundation niya ng mga chairs sa mga students sa elementary school doon.  Iyon na rin ang birthday gift ko kay Dong, mga chairs for donation.  

Then may Ducati Cup siya sa birthday niya sa Clark Air Base kaya doon na siya didiretso. Baka pagbalik niya ng Manila saka kami magkikita.”

Ano ang comment niya sa eksenang pinagsasampal si Dingdong ni Maricel Soriano sa isang eksena sa Ang Dalawang Mrs. Real?  

Bago raw ginawa ang eksenang iyon, nagkausap sila ni Dingdong at ikinuwento nga ang mangyayari sa eksena.  

Nakita raw niya sa social media ang mga pictures pero hindi raw niya kayang panoorin ito sa TV.

Ano naman ang reaction niya na inisnab siya ni Lovi Poe nang nagkita sila sa par­king area ng GMA?  

“Huwag na nating pag-usapan ang ganoong bagay, hindi naman makatutulong iyon sa akin, wala na lang negative vibes. Basta I feel so blessed dahil happy ako sa work ko, may mabait akong boyfriend at very supportive mama at lola.

May mga bago pa akong TV commercials na ilo-launch at may mga dumarating pang endorsements na pinag-aaralan ng management ko.  Masaya ako sa dance show kong Marian at malamang masundan na agad ito ng bagong drama series.  

At ngayon pa lamang pinaghahandaan na namin ang birthday celebration ko sa August 9 (August 12 ang birthday niya) sa show na siyempre, hindi pwedeng hindi maging dancing partner ko si Dong.  Ewan ko, may sorpresa raw sa akin ang show.”

 

vuukle comment

ALJUR

ALJUR ABRENICA

ANO

BASTA I

NAMAN

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with