^

Pang Movies

Paolo suportado ng TV5 sa umano’y sex video scandal

- Vinia Vivar - Pang-masa

Suportado ng TV5 ang talent nilang si Paolo Bediones sa gitna ng kumakalat sa social media na diumano’y sex video ng TV host.

Nabasa namin ang statement ng TV5 pero hindi nalinaw kung si Paolo ba ang nasa sex video o hindi.

Hindi pa namin napapanood ang sex video at mga larawan lang na kuha sa nasabing video ang aming nakita. Well, kamukha nga ni Paolo at ang mukha naman ng girl ay hindi matukoy although some say na sexy starlet daw ito.

Anyway, narito ang statement ng TV5 na inilabas naman ng GMA News online:

“The recent issue involving our news anchor, Paolo Bediones, on social media is a purely personal and private matter in which TV5 has no involvement or desire to intrude.

“We accord our employees and talents all respect that are due them for their privacy and personal action or decision.

“We disapprove strongly the malicious and wanton publication of the video, an act that clearly violates pertinent cybercrime laws.

“We firmly express our support for our anchor Paolo Bediones in the face of a controversy that represents nothing more than an attempt to smear his reputation.”

Pauleen hindi na kering magselos kay bossing

Itinanggi ni Pauleen Luna sa Startalk na nagkakalabuan sila ni Vic Sotto dahil sa babae. Aniya, ay wala raw itong katotohanan.

“First of all, there’s no truth to it. Secondly, our foundation is strong enough para pa magselos. Parang tapos na kami sa stage na ‘yun. We’re secure with each other,” ang statement na ibinigay ni Pauleen.

Kasabay naman nito rin ang balitang pumanaw na raw si Bossing Vic na nilinaw din ni Joey de Leon dahil napakarami raw nagtatanong sa kanya.

Kumalat sa social media ang balita na ewan kung saan nanggaling. Ang nakakatawa, nang kumalat ang balita ay naggo-golf daw si Bossing Vic.

Well, what else is new? Kailan ay si Aga Muhlach ang ‘pinatay’ sa social media. Marami talagang taong mahilig mag-trip.

Melissa Mendez hindi malimutan ang magandang puwet ng ex na nanloko

Kaaliw ang mga sinabi ng veteran star na si Melissa Mendez sa presscon ng Separados nang matanong sa kanya ang past boyfriend niyang si JC Castro na dating sexy actor noong dekada 80.

“Niloko niya ako, pinaasa niya ako. In-announce ko sa telebisyon na pakakasalan niya ako, ‘yun pala tatakbo siya bilang konsehal, tapos pinagastus-gastos lang niya ako,” say ni Melissa.

“Siyempre, dream na dream ko ‘yung makapag-asawa na ako, ang guwapu-guwapo ni JC, let’s face it, hunk na hunk, ang ganda ng pwet, in-love na in-love ako sa kanya, ‘yun pala tatakbo siyang konsehal, ‘yun pala, kailangan kong gumastos,” pahayag pa golden girl (she just celebrated her 50th birthday).

Anyway, sa recent intriga naman sa anak niyang si Denisse na na-link kay Phil Younghusband, thankful naman si Melissa na natapos na ang issue at tahimik na ang lahat.

Nakapanganak na si Denisse na noong buntis pa ay natsismis na si Phil ang ama at diumano ay siyang dahilan daw ng break-up ng player at ni Angel Locsin

Itinanggi na ni Denisse noon pa na si Phil ang ama ng anak niya at maging ang football player ay nag-issue rin ng denial tungkol dito.

Ayon kay Melissa, siya man ay nagtaka kung saan galing ang tsismis na ‘yun na hindi naman daw totoo.

vuukle comment

AGA MUHLACH

ANGEL LOCSIN

BOSSING VIC

DENISSE

ITINANGGI

MELISSA MENDEZ

PAOLO BEDIONES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with