^

Pang Movies

Lovi nag-init ang mukha sa sampal ni Maricel

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Inamin ni Lovi Poe na nag-init ang mukha niya sa solid na sampal ni Maricel Soriano. Nahuli na kasi ng Diamond Star na siya ang ikalawang asawa ng Mister na si Dingdong Dantes sa Ang Dalawang Mrs. Real.

Hindi naman ininda ni Lovi ang lakas at sakit ng sampal bagkus itinuring pang malaking karangalan.

Umani siya ng papuri sa galing ng pag-arte bilang katunggali ni Maria sa pag-ibig ni Dingdong Dantes.

Hindi binibitawan ng mga manonood ang teleserye dahil nakaka-relate sila sa istorya.

Wowie hindi pa nakaka-recover

Isa na namang kwento ng pag-ibig ang napanood sa Love Hotline at sinagot ang tanong kung paano nakapag-move-on ang biglaang namatay niyang ang asawa? Naging matatag si Wowie de Guzman para sa kanyang anak.

Si Sheryl ang babaeng minahal ng actor at pinakasalan pero hindi pa natatagalan ang kanilang pagsasama ay binawian ito ng buhay matapos manganak.

Hindi pa rin naghihilon ang kanyang lungkot at tinulungan siya ni Jean Ga­rcia na harapin ang bukas, ang Love Hotline ay tuwing,  Biyernes, 4:15 p.m. sa GMA 7.

Bianca Umali hindi pa nakakabili ng sasakyan

Bagay na magkapareha sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali sa teleseryeng Niño. Pero kahit tinutukso ang dalawa ay hindi pa rin maliligawan ni Felix si Bianca dahil lubhang bata pa sila. Si Felix ay 14 years old lang at 15 naman si Bianca.

Kahit tinutukso ay hindi naman naaapektuhan ang mga bagets dahil magkaibigan lang sila. Pareho silang nakatira sa Parañaque pero hindi nag-effort na sunduin ni Miguel si Bianca dahil sumasakay lang ito sa GMA van. Wala pa kasing sasakyan ang young actress.

vuukle comment

BIANCA

BIANCA UMALI

DIAMOND STAR

DINGDONG DANTES

JEAN GA

LOVE HOTLINE

LOVI POE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with