^

Pang Movies

Mark pinag-aaralang maigi kung paano magpalaki ng anak!

Rodel Lugo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hanggang ngayon pala ay malakas pa rin ang hatak ng ex-couple at tambalang Mark Herras-Jennylyn Mercado. Sabay na rumampa sa purple (kulay ng Yahoo!) carpet ang dalawa sa kagaganap na Yahoo! Celebrity Awards at talaga namang tinilian pa rin sila ng fans.

Seksing seksi si Jen sa suot niyang little black dress na halos lumuwa ang kanyang dibdib. Sakto naman ang disenyo na parang letrang ‘X’ na na-emphasize dahil sa see-through design sa gilid nito. Bumagay ang suot niya dahil nasungkit ng magaling na aktres ang Female Kontrabida Award sa pagganap sa serye nila ni Mark na Rhodora X.

Nang matanong kung ano ang reaksyon nila na tanggap pa rin sila ng fans kahit matagal na silang hiwalay, “Siyempre masarap sa pakiramdam, kasi ano eh, hindi pa rin nila kami iniiwan, nandyan pa rin sila. Masaya pa rin sila ‘pag nakikita nila kami.” bungad ng napakagandang aktres.

“Ako naman nagpapasalamat sa lahat ng bumoto, hindi ko naman sinasabi na kami na ang panalo, but ah, maraming maraming salamat po sa mga bumoto at still na naniniwala sa amin ni Jen” dagdag ni Mark na ang tikas sa suot na suit.

Hanggang ngayon na kahit may kanya-kanya na silang mga anak at may mga ibang nakarelasyon na rin, sinusuportahan pa rin ng dalawa ang isa’t isa. “Oo naman, oo naman nandyan pa rin naman kami sa isa’t isa. Kaya, kaya nga ‘yun magandang halimbawa sa mga love teams na matagal na talaga magkasama” ani Jennylyn.

Isang bagay nga lang ang hindi nila mapagkasunduan at mapag-usapan, at ito ay ang tungkol sa pag-aalaga ng sarili nilang anak. Wala raw tips na maibibigay ang aktres sa dating nobyo dahil, “Kanya-kanya namang diskarte ‘yan siyempre, meron siya, babae ‘yung sa kanya, lalaki ‘yung sa akin so medyo magkaiba.” parang may pagtataray na sagot ng aktres.

“Siyempre ah, ngayon ah, inaalam ko lahat ng kailangan kong malaman para mag-raise ng isang bata. Dahil this time hindi na ito basta gamit, hindi na ito basta hayop or isda na kailangan ko lang paliguan o pakainin anytime...” sundot ni Mark na animo’y wala talagang alam sa mga bata.

Nang maitanong naman sa actor-dancer ang mga pagbabago sa buhay nito simula nang magkaanak siya “Marami eh, marami eh hindi ko, ‘pag kinuwento ko bukas pa tayo matatapos. Basta lahat ng changes positive naman.”

Inamin din ni Mark na sa ngayon ay walang nagpapatibok ng puso niya bukod sa masaya siya sa kanyang baby na si Ada. “Wala, hindi siya (love life) ang priority ko. Ok naman ako sa single life.”                                                             

vuukle comment

CELEBRITY AWARDS

FEMALE KONTRABIDA AWARD

HANGGANG

MARK HERRAS-JENNYLYN MERCADO

NAMAN

RIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with