^

Pang Movies

Nag-inarte pa kasi dati Young Actress hindi na pinapansin ng aktres na nakaalitan

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Hindi nag-succeed ang young actress (YA1) na ito sa kanyang balak na i-win over ang ilang mga taong nagawan niya ng mali.

Kelan lang ay gumawa siya ng paraan na makausap ang isa pang young actress (YA2) pero dinedma siya nito.

Kahit na nag-effort pa ang young actress na ito sa kanyang pag-reach out, walang nararamdaman na awa ang nilapitan niyang young actress dahil hindi nga raw kapatawad-tawad ang ginawa nito sa kanya.

“Bakit ngayon pa siya gumagawa ng effort? Sana noong una pa lang, ‘di ba? Noong hindi pa malala ang lahat. Kaso parang siya pa ang mapagmalaki noon.

“So ngayon, gusto niyang makipag-ayos. Hindi na siya bibigyan ng panahon ni young actress (YA2). Tinanong na siya nito noon nang maayos, pero dedma siya. So ngayon, dedma na rin sa kanya,” kuwento pa ng source namin.

Dinaan pa raw sa pag-iyak ni young actress (YA1) ang ginagawa niyang pag-reach out. Pero walang effect ito sa nilalapitan niyang tao.

“Naku dinadaan pa niya sa paiyak-iyak. Wala naman siya sa taping niya, ‘di ba? Hindi niya madadaan si young actress (YA2) sa acting niya.

“Para kay young actress (YA2), the damage has been done. Kahit ano pa ang explanation niya, banned for life na siya.

“Kasi alam ni young actress ang totoong nangyari at may pruweba siya. Kaya unforgiveable ang ginawa niya.

“May pagkatanga rin kasi ang young actress (YA1) na ito. Kung sana, wala siyang kinumpirma sa ibang tao, walang magiging pruweba. Kaso may confession siya kaya talo siya.

“Kung nasa husgado lang sila, guilty beyond reasonable doubt si young actress (YA1) kaya hindi na uubra ang paiyak-iyak niya,” pagtatapos pa ng source namin.

Anne mas matalino pa kay Oprah!

Nakasama ang prime celebrity endorser na si Anne Curtis sa 50 Smartest Celebrities on Twitter na inilabas ng TIME magazine kamakailan.

Ayon sa naturang listahan na inilabas last July 16, nasa 28th spot si Anne who has a total of 6,667,345 followers on Twitter.

Ipinakikita sa naturang listahan ang “reading level” ng tweets ng isang username sa pamamagitan ng isang comprehension test na tinatawag na Simple Measure of Gobbledygook (SMOG).

Sa status ni Anne, nasa grade 6.5 ang level ng kanyang tweets, na mas mataas na average level umano sa Twitter na pang-fourth grade.

Base sa listahan, na-outsmart ni Anne sa Twitter ang ilang kilalang international personalities tulad nina J.K. Rowling (author ng Harry Potter series) na nasa 32nd spot; TV producer-host and philantropist Oprah Winfrey, na nasa 42nd spot; at ang singers na sina Jennifer Lopez (No. 42), at Beyoncé (No. 48).

Nangunguna sa listahan ang actor-producer-environmentalist na si Leonardo DiCaprio, na nasa 7.5 grade level.

Sa naturang listahan, ipinaliwanag ng TIME kung paano nakuha ang ranking sa pamamagitan ng SMOG.

“The SMOG test measures the number of three syllable words used in a text to calculate the years of education required to understand it.

“To find Twitter’s smartest celebrities, we analyzed the last 20 tweets from the 500 highest followed celebrities (stripped of URLs and hashtags), then ran the results through the SMOG test to cal­culate reading level.

“SMOG is intended for proces­sing English, so users tweeting in multiple languages were removed.”

Anyway, katatapos lamang ng top-rating series ni Anne na Dyesebel at tinatapos na niya ang pelikulang The Gifted sa ilalim ng Viva Films with Sam Milby and Cristine Reyes.

Sorry girls, Adam Levine nakatali na kay Behati Prinsloo

Hindi na single ang The Voice coach at Maroon 5 frontman na si Adam Levine dahil naganap na ang kasal niya sa kanyang fiancé, ang Victoria’s Secret supermodel na si Behati Prinsloo sa Flora Farms in Cabo, San Lucas, Mexico.

Nag-exchange ‘I do’ ang dalawa sa harap ng ka­nilang fa­mily and close friends. Suot ni Adam ang isang fitted tux samantalang isang magandang Mar­chesa wedding gown ang suot ng kanyang bride.

Hindi humingi ng mga wedding gifts ang newly-weds mula sa kanilang mga bisita kundi ang magbigay na lang sila ng donation para sa Children’s Hospital of Los Angeles.

Ang kanilang honeymoon ay magaganap sa South Africa kunsaan nandoon naman ang pamilya ni Behati.

More than a hundres guests ang um-attend sa kasal nila Adam at Behati. Nagsimula ang wedding festivities last Friday sa El Dorado hotel para sa isang beach party.

Kabilang nga sa mga panauhin ng newly-weds ay sina Coco Rocha, Jason Segal, Jonah Hill, Erin Heatherston, at marami pang iba.

Nakipag-date si Adam kay Behati after niyang makipaghiwalay sa supermodel and longtime girlfriend niyang si Anne Vyalitsyna.

After a year of dating, nag-propose na si Adam kay Behati.

 

vuukle comment

ACTRESS

ADAM LEVINE

ANNE

ANNE CURTIS

BEHATI

BEHATI PRINSLOO

NIYA

SIYA

YOUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with