^

Pang Movies

Menor de edad na asawa ni Ka Freddie may bago na namang tsismis

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Kahit na sinasabing nag-apologize na si Maegan Aguilar sa kanyang tatay na si Freddie Aguilar, lumalabas sa kanyang sulat na naka-post pa sa social networking account ng kanyang tiyahin na mayroon pa rin siyang kundisyon. Magpapakita lang siya at kakausapin niya nang personal ang ama kung hiwalay na iyon sa kasalukuyang asawang si Jovie, na tinawag pa niyang “babaeng impostor”.

Matatandaang nagkaroon ng problema ang magtatay nang sabihin ni Maegan na pinalayas siya ng kanyang ama sa tahanan noon, kasama na rin ang kanyang buong pamilya. Sinabi ni Maegan na kaya lang naman sila tumira sa bahay ng tatay niya ay dahil na rin sa pamimilit nito noon. Pero mukhang umasim ang kanilang pagsasama-sama sa iisang bahay nang muling mag-asawa si Freddie sa kanyang naging girlfriend noon na menor de edad.

Ngayon nagpapasalamat pa si Maegan sa kanyang ama dahil sa ginawang pagpapalayas sa kanila, kasi lalo raw siyang nagsikap at ngayon ay may magandang trabaho na sa isang hotel. Musician at singer din kasi si Maegan. Noon, nagtatrabaho si Maegan sa mismong club na pagmamay-ari ng kanyang ama mismo, na kung saan sinasabi niyang binibigyan lang naman siya ng napakaliit na suweldo kaya hindi magkasya iyon sa kanilang pangangailangan.

Ang maganda nga lang ngayon, wala na siyang sama ng loob sa kanyang ama sa kabila ng lahat ng mga nangyari, pero maliwanag na naroroon pa rin ang galit niya sa bagong madrasta niya.

Marami ring akusasyon maging ang kapatid ni  Ka Freddie sa kanyang bagong asawa tulad nung sinasabi nilang hindi na ito menor de edad. May iba pang hindi magandang tsismis tungkol sa bagong asawa ni Ka Freddie na galing din naman sa kanilang pamilya.

Dating kabanda malaki raw ang galit kay Daniel

Mukhang may trouble ang teenage idol na si Daniel Padilla. May mga sinasabing mukhang nilayasan na siya ng mga dati niyang barkada, nasira na rin daw ang kanilang binuong banda na nakakasama na niya sa mga performances niya, at mukhang may nabuo ngang samaan ng loob kaya sinasabi na may dati siyang kaibigan na naninira sa kanya.

May mga source na nagsabing isa sa mga kaibigan niyang iyon ang siyang naglabas din ng kanyang pictures na may hawak pang bote ng beer at sigarilyo. Nag-deny naman si Daniel na siya ang nasa picture na iyon. Look alike lang daw siguro.

Pero kailangang maayos iyan ni Daniel dahil kung hindi, makakasira iyan sa kanya.

Dating female star nagdidilihensiya para sa nasira raw niyang bahay noong Glenda

Nagdidilihensiya na naman pala ang isang dating sexy female star. Tinatawagan daw niya ang mga kakilala niya at sinasa­bing kailangan niya ng tulong dahil nasira ng bagyong Glenda ang isang bahagi ng bahay niya. Wala naman daw naniniwala dahil sanay na sila sa mga gimmick ng da­ting sexy star.

 

vuukle comment

DANIEL PADILLA

FREDDIE AGUILAR

GLENDA

KA FREDDIE

KANYANG

MAEGAN

MAEGAN AGUILAR

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with