^

Pang Movies

Maegan nag-sorry na kay Ka Freddie pero asawa ng ama, nilapastangan uli

- Vinia Vivar - Pang-masa

Nag-post ang kapatid ni Freddie Aguilar na si Marlene Aguilar sa kanyang Facebook account kahapon ng apology letter galing sa pamangking si Maegan Aguilar para sa ama nito.

Sa nasabing sulat ay humihingi ng tawad si Maegan kay Ka Freddie sa mga nagawa niya and at the same time ay nagpapasalamat sa ginawang pagpapalayas sa kanya dahil lalo siyang nagsumikap at ngayon ay may maganda nang trabaho.

Narito ang kabuuan ng apology letter ni Maegan para sa ama dated July 13, 2014.

“Dear ‘Tay,

“Eksaktong dalawang buwan na po ngayong araw na ito ang nakalipas mula noong palayasin mo kaming mag-iina sa poder mo. 

“Alam kong naging masakit din para sa iyo ang mga nangyari, lalo na at inilahad ko sa publiko ang matinding away nating dalawa. Marami po ang nagsasabi na hindi ko dapat ginawa yun. Sobrang nasaktan siguro ako ‘Tay kaya inasam kong malaman ng mundo na binasag mo ang puso at kaluluwa ko. 

“Gusto kong ipaalam sa’yo na nasaktan din ako sa ginawa ko laban sa iyo. Nangyari na ang nangyari, at hindi ko na maibabalik ang dati. Ganoon pa man, humihingi po ako ng tawad dahil nasaktan kita. 

“Gusto ko rin pong malaman mo na kapag iniwanan ka na ng impostorang babae sa buhay mo, nandito lang kami nila Anaya at Mahi Vae na nagmamahal sa’yo ng walang hanggan. Pasensiya ka na rin po kasi habang kasama mo si Jovie, kami ng mga apo mo ay hindi muna magpapakita sa’yo. 

“Salamat po ‘Tay sa pagpa-palayas mo sa amin, dahil lalo po akong nagsu-sumikap ng husto nga­yon. Sa kasalukuyan, maganda po ang trabaho ko sa Shangri-la Hotel lobby. At mas maayos po ang buhay naming mag-iina ngayon dahil mas masaya po kami. 

“Buong puso po akong nagpapa-salamat sa lahat ng nagawa at ginawa ninyo sa akin. 

“Mahal ko po kayo ‘Tay.”

As of press time, ang nasabing apology letter ay umani na ng mahigit 100 likes sa FB. Pero wala pa kaming feedback kung ano ang reaksyon ni Ka Freddie. But ang alam namin, noon pa naman ay sinasabi niyang pinatatawad na niya ang anak at hindi raw siya galit dito.

Fifth kinabog ang bagyong Glenda nang umaming bisexual

Ipinagtanggol ng komedyanang si Chariz Solomon ang kapatid na si Fifth na umaming bisexual sa Pinoy Big Brother All in last Wednesday night.

Nag-post si Chariz ng photo ng kambal niyang kapatid (Fourth and Fifth) na parehong nasa PBB house ngayon at aniya, naririto silang kapamilya para sa dalawa.

“Ah basta kami nila jiro, KC, mama, seira, daddy, apollo, nestor zel and ng family love na love na love namin kayo :) at mas masaya ang bahay natin kesa sa bahay nila :) sa bahay natin walang manghuhusga sa inyo! Mahal na mahal namin kayong dalawa,” ang post ni Chariz.

Samantala, ang pag-amin ni Fifth last Wednesday ay nag-trend worldwide kasabay ng pagti-tren­ding ng bagyong si Glenda.

In fairnes to Fifth, mas marami ang humanga sa ginawa niyang pagtatapat kaysa sa mga nang-bash. Hinahangaan nila ang pagiging tapat ng housemate sa sarili at sa madla.

Maging si Vice Ganda ay hindi napigil ang sarili na magpahayag ng suporta para kay Fifth. Sa kanyang social media account ay nag-post siya ng “’Wag kang mag-alala Fifth, hindi ka nag-iisa. Maraming dapat ikatakot. Mangunguna na ako para suportahan ka.”

Ito ang pangalawang pagkakataon na may uma­ming bading sa Bahay ni Kuya. Matatandaang dito rin umamin si BB Gandanghari na noo’y si Rustom Padilla pa, na isa siyang gay.

 

vuukle comment

CHARIZ

CHARIZ SOLOMON

FIFTH

FOURTH AND FIFTH

FREDDIE AGUILAR

GLENDA

KA FREDDIE

MAEGAN

MAEGAN AGUILAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with