^

Pang Movies

Kaya gusto pang magkaanak, Piolo ayaw pakinabangan ng iba ang mga naipong pera

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Naging open si Papa P (Piolo Pascual) sa paglalahad ng buhay niya sa paglo-launch niya for the 10th time bilang Ambassador ng Sun Life Financial, kasama ang anak na si Iñigo (although hindi iniharap sa presscon ang bagets dahil naka-reserve ito sa paglo-launch nilang mag-ama ng first music video nila for Sun Life sa July 27).

“Very close ang relationship naming mag-ama, siguro dahil halos magkalapit ang edad namin,” kuwento ni Piolo sa press launch held at the World Trade Center.  “I’m 20 when Iñigo was born and he’s turning 17 in a few weeks.  Wish ko sana ay hindi siya talaga mag-showbiz dahil usapan na naming he will finish his studies first.  Pero kinukulit na siya ng Star Cinema, gusto na ng ASAP na i-launch na rin siya pero hindi ako pumayag.

“Pa-retire na ako, pero marami pa akong trabaho.  I started working noon pa sa That’s Entertainment.  I love my job, it’s my passion, parang iyon na nga ang pinakasalan ko, pero nakaramdam na rin akong na-burnt out, kaya nang muling mag-offer sa akin ng contract ang ABS-CBN, two years na lamang ang pinirmahan ko, siguro tumatanda na rin ako kaya for the first time, stipulated sa contract ko na may day-off ako once a week.  I want to enjoy myself while I’m still young.”

As regards to Iñigo, kahit ayaw niya ay mukhang showbiz pa rin ang papasukin ng anak, pero gusto raw niyang maranasan nito ang trabaho in a hard way.  It’s good daw the mom of Iñigo raised him in a good way at hindi materialistic ang bata.  Sa possibility na magkasama sila sa isang project, hindi pa raw niya alam kung ready na siyang makasama ang anak.  Tama na raw muna ang paggawa nila ng isang music video at kailangan na ring bumalik sa States ni Iñigo dahil summer vacation lamang ito, kaya narito sa Pilipinas.

May nagtanong kay Piolo kung hindi na ba niya bibigyan ng kapatid si Iñigo.

“Gusto ko ngang magkaroon pa ng mga anak dahil sayang naman kung ang pinaghirapan ko ay mapunta lamang sa mga pamangkin ko, hindi naman sa nagdadamot ako, pero gusto kong sa mga anak ko mapunta ang pinaghirapan ko,” patapos ni Piolo.

Fans nina Dingdong at Marian uhaw na uhaw sa kanilang tambalan

Kung may naiinis o naiinggit sa sweetness ng mag-sweetheart na Dingdong Dantes at Marian Rivera sa mga selfies nila, ‘bitamina’ naman ang tawag dito ng mga DongYan fans na sabi nila’y ‘tigang’ na sila kung kailan ba muli sila magtatambal.

Almost three years na kasi nilang hindi napapanood na magkatambal ang mga ito sa anumang TV o movie projects.  

Kaya nang lumabas ang ilang shoot nila para sa Hola magazine, ito ang makikitang naka-post sa Facebook ng fans na tuwang-tuwa na magkasama silang cover next month. Birthday gift daw sa kanila nina Dingdong at Marian na parehong magsi-celebrate ng birthday sa August.

My Beloved pa ang last team-up ng dalawa, nasundan na ito ng Pahiram ng Sandali at Gene­sis ni Dingdong at si Marian naman sa Temptation of Wife at Carmela. Ngayon, may Ang Da­lawang Mrs. Real si Dingdong at ang Ma­rian dance show naman kay Marian.  Last movie nila together ay ang You to Me are Everything.

vuukle comment

ANG DA

DINGDONG DANTES

MARIAN RIVERA

MRS. REAL

MY BELOVED

PIOLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with