^

Pang Movies

Matapos matsugi sa puwesto, ER lumutang sa FAMAS

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Ang 62nd FAMAS Awards ang unang public appearance ni ER Ejercito mula nang pababain s­iya ng COMELEC mula sa kanyang puwesto bilang gobernador ng Laguna.

Hindi nabale-wala ang pag-apir ni Papa ER sa FAMAS Awards dahil nagetlak niya ang best actor award.

Nagkaroon ng reunion sa FAMAS Awards sina Papa ER at si KC Concepcion, ang leading lady niya sa Boy Golden: Shoot to Kill.

Memorable ang reunion ng dalawa dahil parehong winner sila. Kung nakuha ni Papa ER ang best actor trophy, na-take home naman ni KC ang best actress award.

Gabby proud sa Best actress award ni KC

Proud papa si Gabby Concepcion dahil best actress awardee na rin ang kanyang anak na panganay.

Pare-pareho nang FAMAS winners sina Gabby, KC, at ang nanay nito na si Sharon Cuneta. 

Kung tama ang pagkakatanda ko, best supporting actor award ng FAMAS ang napanalunan noon ni Gabby.

Sexy star nilalait ang kapangitan ‘pag walang make-up

Bakit nga ba ang lakas-lakas ng loob ng isang sexy star na lumabas sa TV nang walang make-up eh hindi naman siya kagandahan?

Sa totoo lang, over rated ang sexy star dahil hindi rin nagre-rate ang teleserye niya. Nagkamali yata ang mother studio niya sa pag-build up sa kanya.

Wish ko lang, may mag-advice sa sexy star na mag-ayos kapag lumalabas sa TV o rumarampa sa  mga public place para hindi siya nilalait ng mga tao.

Dennis mas maraming kakampi kesa kay Julia

Marami pala talaga ang nakikisimpatiya kay Dennis Padilla dahil sa guesting niya sa Startalk noong Sabado.

‘Yun nga lang, mukhang lalong lumaki ang isyu dahil hindi positive ang mga comment tungkol sa anak ni Dennis.

Nasa korte na ang kaso ng pagpapalit ni Julia Barreto ng kanyang family name kaya ang lawyer niya na si Atty. Lorna Kapu­nan ang nagpapainterbyu sa media.

Boyet makikipag-tagisan kay Coco

Kasama si Christopher de Leon sa cast ng book 2 ng Ikaw Lamang.

Maganda ang role ni Boyet sa te­leserye ng ABS-CBN pero ‘di ko muna sasabihin para ‘di mapre-empt.

First time ni Boyet na makakatrabaho si Coco Martin kaya excited siya. Asahan natin ang tagisan sa acting nina Boyet at Coco sa ikalawang yugto ng Ikaw Lamang.

 

 

vuukle comment

BOY GOLDEN

BOYET

COCO MARTIN

DENNIS PADILLA

GABBY CONCEPCION

IKAW LAMANG

JULIA BARRETO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with