^

Pang Movies

Kaya kinabog ang ibang mas bata, Alice Dixson bossing ng isang hotel ang inspirasyon

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Hindi natin masisisi si Alice Dixson kung overwhelmed ito sa naging trato sa kanya ng mga mhin na umapir sa victory party ng FHM sa World Trade Center noong Miyerkoles.

May reason si Alice para magbunyi dahil sa edad na 44, nagawa pa niya na kilitiin ang imahinasyon ng mga kalalakihan.

I’m sure, proud na proud kay Alice ang kanyang special friend na bossing ng isang sosyal na hotel.

Matagal ko nang kilala si Alice at hinding-hindi ko malilimutan ang pabango na hinarbat ko sa kanya.

Tandang-tanda ko pa ang taon, 1994 nang hintayin ko si A­lice sa parking lot ng condominium building sa Greenhills na tini­tirhan niya noon.

Nangako si Alice na bibigyan ako ng pabango pero hindi naman niya sinabi na aabutin ng magdamag ang kanyang ta­ping.

Ang ending, hinintay ko siya sa parking lot hanggang 4 a.m. nang dahil lang sa pabango na hinarbat ko sa kanya.

Hindi ko maubos maisip na nagpuyat ako noon nang dahil sa pabango na OPM ni Alice.

Siyempre, hinding-hindi na mauulit ang nangyari dahil maaga na akong natutulog mula nang maging senior citizen ako.

Kesa mangharbat ng pabango, bibili na lang ako dahil mura ang mga original perfume na nabibili sa Greenhills.

Saka, hindi pa nauubos ang mga pabango na binili ko sa isang sosyal na department store. Courtesy of Papa Miguel Belmonte ang mga gift certificate na binili ko nang mga Creed perfume na gustung-gusto ko ang scent.

At dahil matagal na kaming magkakilala ni Alice, may mga alam din ako tungkol sa kanyang makulay na love life.

Hindi ko na babanggitin ang names ng mga mhin na minahal noon ni Alice dahil history na sila. Basta ang alam ko, may nagpapasaya ngayon kay Alice na mhin na guwapo. Hindi lang ako sure kung naririto pa siya sa Pilipinas o nadestino na ang mhin sa ibang bansa bilang big boss ang kategorya ng kanyang trabaho.

Richard at Sarah ipinapasyal si baby Zion sa Palawan

Nagbabakasyon sa Palawan ang pamilya nina Ri­chard Gutierrez at Sarah Lahbati.

Kapag sinabi na pamilya, kasama ng dalawa ang kanilang anak na si Zion.

Memorable ang Palawan vacation nina Richard at Sarah dahil first time nila na magbabakasyon sa malayong lugar na kasama si Zion.

First time rin na malaya nilang maipapasyal ang cute na bagets dahil wala na silang inililihim sa publiko.

Kung nasa Palawan sina Ri­chard at Sarah, nagbabakasyon naman sa Bohol si Ruffa Gutierrez at ang dalawang anak nito na sina Venice at Lorin.

May duda ako na pinaghahan­daan na ng Gutierrez family ang second season ng It Takes Gutz to be a Gutierrez kaya nagbabakasyon na sila sa mga tourist spot sa Pilipinas.

Napakaganda ng ating bansa at ang kagandahan nito ang dapat na napapanood sa E! Asia, ang official channel ng reality show ng mga Gutierrez.

vuukle comment

AKO

ALICE

ALICE DIXSON

COURTESY OF PAPA

DAHIL

PALAWAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with