^

Pang Movies

Nagsalita na sa ‘pamamahiya’: Gov. Vi mas gustong patulan ang mga kulisap kaysa kay Kris

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Binasag na ni Governor Vilma Santos-Recto ang kanyang katahimikan. Ipinadala sa amin ng confidante niyang si Aida Fandialan ang text ng gobernadora nang kinumusta nito ang gobernadora.

Hindi man sangkot sa nagdaang kontrobersiya tungkol kay Nora Aunor at sa post ni Kris Aquino sa card of thanks niya, pilit siyang isinasawsaw, huh!

Heto ang text ni Gov. Vi:

“Nothing to worry…Mas marami pa akong ma­tinding pagsubok sa buhay na nalagpasan ko…

 “Sa awa ng Diyos…Sabi ko nga…Everyday is a learning process sa buhay ng tao…kasama ako.

“Maliit na bagay lang ito na napalaki…Alam mo, may motto akong sinusunod…ANG PROBLEMA AT CHALLENGES SA BUHAY AY DUMADAAN…

“PADAANIN MO…WAG MO LANG ISTAM­BAYAN…

Kasi tomorrow is another day!!!

“Tanggapin ang POSITIBO…Itapon ang NEGATIBO..!! Life is beautiful…Enjoy it!!

“Ang iniisip ko ay ang COCOLISAP SA Batangas…Kasi ang katapat nito…Ay kabuhayan ng mga tao…Ito ang worry ko!! Anyway…SALAMAT!!”

In due time, haharap din sa media si Gov. Vilma. Never naman siyang naging maramot upang magbigay ng pahayag. Only this time, tama naman na unahin niya ang problema ng coconut industry dahil kung magpapatuloy ito, mawawalan ng kabuhayan ang mga taong umaasa lang sa industriyang ‘yon.

Richard masaya sa buhay-malaya

Sumalang si Richard Gutierrez bilang guest celebrity sa Banana Split last Thursday sa segment ni Jayson Gainza na Ihaw Na! Bahagi ‘yon ng enjoyment niya bilang isang freelancer.

“Puwede akong mag-guest sa show na gusto kong mag-guest. Puwede akong mag-guest sa TV5. So wala akong restrictions.

“It doesn’t mean naman na magsa-sign ako ng contract with a network. Gusto ko ‘yung set up ngayon na wala akong contract sa isang network. Then, may rea­li­ty show kami. Tapos, magku-con­centrate na lang ako on movies na,” saad ni Richard sa presscon ng family niya para sa It Takes Gutz to be a Gutierrez na napanood na kahapon sa TV5 at kung saan naman ending ng unang season ng programa tonight sa E! channel.

Mas gusto nga raw ni Chard ang set up niya ngayon.

“Pero kunwari, may isang pro­ject na magandang-maganda na hin­di ko puwedeng tanggihan, so tatang­gapin ko. Pero as of now, masaya ako sa set up ko na freelance, tapos may reality show, and I’m making movies,” pahayag pa niya.

May nakaambang project sila ni Sarah Lahabti sa GMA Films. Hindi muna niya ito siniseryoso hangga’t hindi pa gumugulong ang kamera.

“Pero ang huling balita ko, may gagawin kami. Nagpadala lang sila ng storyline. Ngayon daw may revisions na, so baka mag-set up kami ng meeting. Okey naman. Konting adjustments lang,” balita ng aktor.

Eh padating naman sa isyu sa nanay ni Sarah, nag-usap na raw silang mag-ina. Nagkaroon na ng bonding moments silang mag-ina bilang bahagi ng birthday ng ina.

“Okey na ngayon. I can say na better but we still have to work on something,” sabi pa ni Chard.

Ayon pa kay Richard, na-shock sila ni Sarah sa nangyari dahil naipit nga ang ina ng anak niya sa sitwasyon.

“She felt really bad sa mga nangyari. Pero instantly naman, inayos din niya. Siya na rin ang nag-reach out. Kinausap ko siya (Ester) through phone,” chika pa ng aktor.

Eh, ang mother niya at mother ni Sarah, okey na ba?

“Wala naman akong kaaway!” sabad ni Tita Annabelle na katabi ni Chard habang aming kinakausap.

vuukle comment

AIDA FANDIALAN

AKONG

BANANA SPLIT

BRVBAR

GOVERNOR VILMA SANTOS-RECTO

NAMAN

NIYA

PERO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with