^

Pang Movies

Jodi Sta. Maria hindi ini-itsapwera ang mga kasama

Wilbur Hernandez - Pang-masa

MANILA, Philippines - Masarap kausap at interbyuhin si Jodi Sta. Maria. ‘Di lang niya pagmamay-ari ang isa sa mga pinaka-magagandang mukha ng ating pinilakang tabing, artikulado at halatang well-read ang magaling na aktres. Sa rami ng pinortray niyang roles gaya ng dual roles niyang si Sophia Delgado at Sophia Manalastas sa 100 Days to Heaven sa telebisyon (2011), misteryosang si Elisa sa Cinco (2010) balikbayang kapatid na si Charrie sa You are the One (2006), dalagang inang sa Guia sa Noon at Ngayon (2003), religious na si Faith sa Jologs (2002), at kaklaseng sympathetic na si Bernadette sa Anak (2000), versatile ang 31-year old na aktres. Banggit nga noon ng publicist at kolumnistang si Manay Ethel Ramos sa akin, masarap alagaan ang ganitong klaseng artista. Maganda na, maayos pang sumagot.

Ipinakita ni Jodi na gusto niyang ma-embrace ang bawat miyembro ng press dahil cool lamang siya sa kung anu-anong tanong mula sa tagumpay ng ‘kiligserye’ niyang Be Careful With My Heart hanggang sa mga tanong na pahapyaw na papunta kay Jolo Revilla. Hindi siya napipikon. Heartfelt ang pagsasalita ni Jodi sa pagpapasalamat niya sa tagumpay ng kanilang show. Pero kahit ang tanong eh naka-focus sa kanya, constantly niyang ‘di iniitsapuwera ang mga kasama sa naturang show. “Lahat po kami from the cast to the crew up to the promotions arm ng show, 100 percent ang binigay namin for the show to succeed. We all felt na para na nga kaming one big family habang nagpo-progress ang show. ‘Di namin akalain na aabot nang ganitong katagal ang Be Careful with My Heart. Overwhelmed kami talaga!” ‘di makapaniwalang sinabi ng aktres sabay rest ng mga palad niya sa kanyang dibdib.

“I’d say dahil siguro akmang-akma or sumasabay ang kuwento ng family ni Maya at Ser Chief sa everyday na takbo rin ng isang Filipino family. Tapos masaya pa ang family life nina Maya at Ser Chief. So inspiring ang show,” modest niyang pahayag. Pero ‘di kinalimutan ni Jodi “of course kayo, mga supporters, mga viewers ng show natin ‘di ba kayo kasing mga viewers na napamahal sa show ang talagang nag-abang, nag-subaybay sa amin to the end. We all know, ‘di talaga magiging successful ang Be Careful With My Heart without you guys. That’s why I personally cannot thank you enough at naririto kami. Para na nga rin kaming family sa set eh. Like an ordinary happy Pinoy family na nasa TV tapos pinapanood din ng Pinoy family. Ang ganda-ganda ng ganon,” beaming na sinabi ni Jodi na pagka-ganda ganda sa kanyang red sleeveless lace-traced blouse na naka-match sa faded jeans at stilettos sa presscon ng Be Careful With My Heart para sa gaganapin na Thanksgiving Concert ng Show sa darating na July 25 sa Araneta Coliseum. Ang laking treat para sa mga fans itong show ‘di ba Salve A.?! Libre pa ang ticket.

Pero sa kalagitnaan ng tagumpay ng Be Careful With My Heart ay aware, in fact, alam ng produksiyon na marami silang bashers sa internet. “Naku may mga buma-bash sa amin. May mga nagsasabi kesyo ‘ang tagal naman matapos niyan, iyung iba naman sabi ‘hoy tapusin n’yo na kasi nakakumay na, nagsasawa na kami, mga ganon! Aba sa akin lang kung ayaw nila iyung show e ‘di huwag silang manood. Kasi mas marami pa kaming puwede at saka gustong pasayahin sa umaga,” ma-puntong sabi ng production manager na si Ellen Criste. The fact na umabot na ng two years ang Be Careful with My Heart, ibig sabihin lang nito, hindi bumibitaw ang mga manonood dahil sinubaybayan nila ang mga susunod na pangyayari kay Maya at Ser Chief.

To note, si Criste nga pala ay isa sa mga naging heads din sa produksiyon ng Pangako Sa’yo ni Jericho Rosales at Kristine Hermosa. “Nag-air iyon ng one year and eight months. Ang saya namin. Pero ito (BCWMYH) umabot na ng two years! Diyos ko ako mismo ‘di makapaniwala. Nagbu-bunyi kami talaga!”

                                                             

vuukle comment

BE CAREFUL

BE CAREFUL WITH MY HEART

JODI

MY HEART

PERO

SER CHIEF

SHOW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with