^

Pang Movies

Sarah ramdam na si Matteo na ang mapapangasawa

Mary Rose G. Antazo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Since out in the open na ngayon ang relasyong Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli ay marami ang humuhulang mukhang ito na ang lalaking makakatuluyan ni Sarah at mapapangasawa. Kaya nang matanong ang dalaga kung ano ba ang kanyang  marrying age lalo’t birthday na niya next month at 26 years old na siya.

Sa interview sa kanya ng The Buzz ng manunulat na si Ogie Diaz ay sinagot niya ang bagay na ito.

 “Ang ideal age for me is before 30, or sana 29. Kahit matagalan nang konti basta wala naman po sa edad iyan. Kapag natagpuan mo na ang tamang panahon, tamang ikaw at tamang partner din, ‘yun na,” sey ng Popstar Princess na si Sarah.

Feeling inspired at parang nasa cloud nine din ang kanyang feeling dahil ipinaparamdam sa kanya ng kanyang boyfriend kung gaano siya ka-espesyal.

 “Siyempre thankful naman tayo sa Diyos dahil everything that’s happening, kumbaga na-bless ako ng ganitong klaseng relationship, ganitong klaseng karelasyon kasi mabait na tao naman si Matteo at talagang matiyaga,” sey pa ng aktres.

Hindi rin ikinakaila ni Sarah na ‘mahal’ ang kanilang term of endearment nila ni Matteo.

“Oo. Oo naman, kasi mahal ko ‘yun eh. Mahal ko ‘yun talaga,” sambit pa ng dalaga.

Masaya rin daw siya dahil si Matteo lang ang tanging manliligaw niyang nakapasa sa panlasa ng kanyang parents.

 “Ano naman iyan eh, continuous iyan. Dapat hindi natatapos ang effort mo na ligawan (ang magulang). Kasi ako okay na ako, ‘yung magulang na talaga.”

Marami rin sa kanyang mga supporters ang super happy sa kanyang lovelife ngayon.

 “Salamat po. Siguro (gusto rin nila ako maging masaya). Maraming salamat sa suporta ninyo at sa pag-intindi.”

Aminado rin si Sarah na malaki ang impact ng kanyang last movie na Maybe This Time kung bakit sobrang naging open na siya sa kanyang love life.

 “Feeling ko malaki ‘yung growth sa akin nitong pelikulang ito. Ang daming naitulong sa akin and ‘yung mga naging katrabaho ko and of course siyempre ‘yung kung ano rin ‘yung meron kami [ni Matteo] kasi mag-26 na ako so medyo late na rin pero okay naman,” pahayag pa ni Sarah.

vuukle comment

KANYANG

MATTEO

MATTEO GUIDICELLI

MAYBE THIS TIME

OGIE DIAZ

OO

POPSTAR PRINCESS

RIN

SARAH GERONIMO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with