^

Pang Movies

Dating aktor, executive ‘killer’ na ngayon!

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Executive killer ang tawag ngayon sa isang da­ting aktor na hindi na aktibo sa showbiz. Eh, taglay pa naman daw niya ang kaguwapuhan ng mukha noon kahit lumobo ng konti ang katawan.

Ang nasabing aktor kasi ang natsitsismis na dahilan ng pakikipaghiwalay ng isang may pangalan na executive sa kanyang asawa. May isang factor kasing napansin ang taga-showbiz na nakita sa social media account ng executive kaya nag-speculate silang hiwalay na ang babae sa asawa.

Eh sa track record ng dating aktor, nabalitaan naming pumatol din siya sa isang sikat na executive ng isa ring station, huh! Sitting pretty man siya that time, dumating din ang panahong nagbago naman ng preference ang aktor pero ang common denominator ng pinapatos niya ay nasa mataas na puwesto ng malaking kumpanya ang tao, huh!

Anjo isiningit ang pagkuha ng kursong abogasya

Kumukuha ng kursong law ngayon si Anjo Yllana sa New Era College sa QC. Kaklase niya raw ang anak nina Vic Sotto at Coney Reyes na si Vico.

Nakantiyawan nga si Anjo ng manager niyang si Malou Choa Fagar kung kakayanin niyang tapusin ang kurso. Bukod sa pagiging konsehal ng QC, may Eat Bulaga at Vampire ang Daddy Ko na programa si Anjo.

Natawa nga lang daw si Anjo sa kantiyaw ng manager. Sagot daw niya sa TAPE, Inc. executive, “Baka hanggang second year lang ang tapusin ko, Ma’am!”

Carla ayaw pilitin ang relasyon kay Tom

Mas makulit daw kaeksena ngayon si Tom Rod­riguez sa My Destiny kesa nu’ng ginawa nila ang My Husband’s Lover ayon kay Carla Abellana nu’ng press launch ng series nila. Siyempre, aware din ang aktres na patuloy na mangungulit hindi lang ang media kundi pati na rin ang followers nila na magkatuluyan sila ng aktor.

“Sabi nga ni Tom, expected na niya ‘yung ganoong wishes ng fans. Entitled naman silang mag-wish. Pero hindi naman ibig sabihin ay susundin na namin ang wish nila. Hayaan na lang natin silang mangarap,” saad ni Carla.

Baka naman inililihim lang nila ang relasyon nila ni Tom, huh!

“Wala, walang ganoon. Walang Carla-Tom in real life. Wala kaming inililihim na relasyon!” diin ng aktres.

Ayon pa kay Carla, ayaw nilang pilitin ang kanilang relasyon. Malayo pa raw sa isipan nila ang magkarelasyon.

Ang chika naman sa pakikipaghiwalay nila sa karelasyon, dahil na rin ‘yon sa nagkaroon sila ng relasyon ni Tom.

“Ay, hindi totoo ‘yon! Nauna naman akong makipaghiwalay bago si Tom. Magkalayung-magkalayo. Hindi nila alam kung ano ang pinag­daanan ko and in the same manner na hindi rin nila alam kung ano ang pinagdaanan ni Tom.

“Ako, honestly, hindi ko tinatanong si Tom sa reason. Hindi naman ako ‘yung tipo ng taong nangingialam o tsismosa!

“Siya rin naman, he never asked. ‘Ano ba ang nangyari sa inyo ni K-La?’ Ano ang reason? Kaya back off ako,” katwiran ni Carla na tanggi to the max na dahilan siya ng break up ni Tom at girlfriend na si K-La.

Mikael inggit na inggit sa mga ipinababaong pagkain ni Juday kay Ryan

Ipinaalam ni Mikael Daez ang role niyang closet gay sa Ismol Fami­ly sa natsitsismis sa kanyang Ms. World na si Megan Young. ‘Yun nga lang, ipinagdidiinan niyang friends pa rin sila ng beauty queen, huh!

“Friends, friends lang talaga kami ni Megan!” diin ni Mikael kahit na nga nakikita silang lumalabas ng beauty queen.

‘Yun nga lang, tuwing kainan sa break ng Ismol Family, inggit na inggit siya kay Ryan Agoncillo na laging binabaunan ng pagkain ng asawang si Judy Ann Santos, huh!

“Siyempre, masarap ‘yung may nag-aasikaso sa ‘yo, ‘di ba? Pero malayo pa sa utak ko ‘yung kumuha ng mag-aalaga sa akin! Ha! Ha! Ha! Marami pa tayong gustong gawin at bata pa ako!” katwiran ng aktor.

vuukle comment

ANJO

ANJO YLLANA

ANO

CARLA

LANG

NAMAN

NILA

TOM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with