^

Pang Movies

P-Noy uunahing ideklarang National Artist si Dolphy?!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Totoo kaya ang nabalitaan ko na hinanap ni P-Noy ang pangalan ni Mang Dolphy sa listahan ng mga kandidato para maging National Artist?

Tulad ni Nora Aunor, lumikha rin noon ng kontrobersya ang hindi pagdedeklara kay Mang Dolphy bilang National Artist.

At that time, buhay pa si Mang Dolphy hanggang nakamatayan na niya ang isyu.

Hindi naman nagpaapekto ang mga anak ni Mang Dolphy dahil mas mahalaga sa kanila na maraming tao ang napasaya ng tatay nila.

Sa isang interbyu kay Eric Quizon, nabanggit nito na may kinalaman daw ang pagiging babaero ng kanyang ama kaya naitsapwera ito bilang Pambansang Alagad ng Sining.

Miss Manila instant millionaire

Instant millionaire si Krischelle Halili, ang newly-crowned Miss Manila dahil milyun-milyon ang halaga ng premyo na natanggap niya.

Hindi umasa si Krischelle na siya ang mag-uuwi ng Miss Manila crown and title. In-enjoy lang niya ang pageant night kaya relaxed na relaxed siya nang rumampa sa stage at ibinigay ang kanyang pamatay na sagot sa question and answer portion.

Likas na matalino si Krischelle na mahilig magsulat ng mga tula. Hinuhulaan na malayo ang mararating ni Krischelle at matutupad ang dream niya na maging doktor.

Carla parang destiny si Tom

May pustahan ang fans nina Carla Abellana at Tom Rodriguez na magkakaroon ng relasyon ang dalawa bago matapos ang kanilang bagong teleserye sa GMA 7, ang My Destiny.

Minsan ko nang isinulat ang kakaiba na body language ng dalawa kapag magkasama sila. Loveless si Carla at walang girlfriend ngayon ang pralala ni Tom.

Hindi malabo na maging girlfriend ni Tom si Carla kapag niligawan niya ang kanyang leading lady sa My Destiny. Baka nga si Tom ang destiny ni Carla para maging boyfriend at replacement ng kanyang ex-dyowa na si Geoff Eigenmann.

RJ namana ang hitsura sa kanyang tita BB

Kung hindi pa ako dumalo sa presscon ng Da­ding, hindi ko malalaman na kapatid ni Daniel Padilla si RJ Padilla, ang love interest ni Gabby Eigenmann sa bagong bekiserye ng GMA 7.

Si Rommel Padilla ang tatay nina Daniel at RJ pero magkaiba sila ng ina. Si Karla Estrada ang nanay ni Daniel at walang kinalaman sa showbiz ang madir ni RJ.

Contract star si RJ ng GMA 7 at regular siya na napapanood sa Bubble Gang. Nakuha ni RJ ang mestizo features ng tatay niya at ng kanyang Tita BB Gandang-hari.

Metro Manila binaha na naman

Lumubog sa tubig baha ang Metro Manila dahil sa biglang pagbuhos kahapon ng malakas na ulan.

Mabuti na lang, umuwi agad ako ng bahay kaya hindi ako naabutan ng ulan.

Malamang na stranded ako kahapon sa kalye kung bumisita pa ako sa kulungan ni Senator Bong Revilla sa Camp Crame.

Dadalaw na lang ako kay Bong sa ibang araw dahil nagkita na kami kahapon sa Sandiganbayan.

Nag-promise ako kay Bong na dadalhan ko siya ng kanyang mga favorite food kapag binisita ko siya sa kulungan.

Hindi naman ako nag-aalala na baka tumaba si Bong habang naka-detain dahil may disiplina siya sa katawan. Sinabi niya sa akin na it’s a must na mag-exercise siya para maging physically fit.

                               

vuukle comment

AKO

CARLA

KRISCHELLE

MANG DOLPHY

METRO MANILA

MISS MANILA

MY DESTINY

NATIONAL ARTIST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with