^

Pang Movies

Billy nagsalita na sa pagli-live in nila ni Coleen

Roland Lerum - Pang-masa

MANILA, Philippines - Billy Crawford at Coleen Garcia, nagli-live in na? Mismong si Billy na Inglesero ang sumagot ng tsismis. “We enjoy each other’s company but we still go to our own house.  We pay visit though to each other’s parents.  We still go dating, we are together most of the time but no, not yet.  Hindi pa kami nagli-live in ni Coleen.  We hope that we settle first before living together and that’s for good.”

Phillip hanga sa katatagan ni Sen. Bong

Awang-awa kami kay Sen. Ramon “Bong” Revilla, Jr. sa pagkakakulong niya sa PNP Custodial Center kamakailan.  Masikip at mainit ang kulungan, bukod pa sa may mga ipis at daga.  Nagre-request siya ng cooler man lang dahil nagkakaroon siya ng migraine, pero hindi rin po ito pinahintulutan.

     Bukod sa pamilya, madalas dumalaw sa kanya ang kaibigan niyang sina Phillip Salvador at Jimmy Santos. Humanga si Ipe sa katatagan ni Bong.  Baka kung sa kanya mangyari yon, iba ang pakiramdam niya.

Kung kailan matatapos ang trial na ito ni Bong ay hindi pa alam.  Temporary lang muna siya sa PNP Custodial Center dahil sa Hunyo 26 pa naman siya pwedeng basahan ng sentensya ng Sandiganbayan.  Ang mga taga-industriya ay maghahanda ng kanilang sariling pagbisita kay Bong ano mang araw ngayon.  Dasal lang ang aming ipababaon muna sa kanya, sa lahat ng tulong na nagawa niya para sa amin.

vuukle comment

AWANG

BILLY CRAWFORD

BUKOD

COLEEN GARCIA

CUSTODIAL CENTER

JIMMY SANTOS

PHILLIP SALVADOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with