^

Pang Movies

Luis kilig na kilig ‘pag kasal nila ni Angel ang pinag-uusapan

Mary Rose G. Antazo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi na itinatanggi ng mag-sweetheart na sina Luis Manzano at Angel Locsin na napag-uusapan na nila ang pag-settle down. After  four years na nagkahiwaly  sila ay muli silang nagkabalikan noong February 7, 2014. Sa interview ni Luis sa programang The Buzz ay naibahagi niya ito.

Sa unang date night daw nila ni Angel sa Makati, kumakain daw sila at nag-uusap tungkol sa kanilang mga gusto sa future. Pinag-usapan nila ang bahay na titirahan nila sa future.

At kahit na marami ang nagsasabi na  “rekindling of romance” ang nangyayari sa kanila… pinaninindigan ni Luis “it’s a whole new Angel and a whole new Luis coming to the table.”

“Mabait na ako. There are a couple of times din naman na medyo I had to stray from the right path. Besides that, in general, realizing everything that has been given to you, that one of the biggest blessings in your life is standing in front of you saying I love you. How could you let that go?” sey pa ng TV host/actor na si Luis.

Naniniwala rin si Luis na long journey pa ang kanilang tatahakin ng girlfriend especially sa kanilang wedding plans but he will definitely hold Locsin’s hand every step of the way.

Hindi rin naman daw sila magmamadaling magka-anak kapag sila ay kasal na dahil may mga dapat pa silang asikasuhin sa kanilang career. Samantala, kagagaling lang sa bakasyon nila Angel at Luis sa Japan at base sa mga photos na nai-share nila sa social media ay kitang-kita ang kilig level sa kanila at puro positive vibes daw ang kanilang dala.

“This trip is much more special since it’s our first trip since we got back together, we get along better, kinikilig pa sa maliliit na bagay at lahat-lahat,” sey pa ni Luis.

At sa kanilang  â€œroad to happy ever after” very positive ang sagot ni Luis na…“Still walking down that road hand in hand. ”

             

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

KANILANG

LOCSIN

LUIS

LUIS MANZANO

MABAIT

MAKATI

NANINIWALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with