^

Pang Movies

Naka-terno pang gumala Dingdong at Marian matamis ang halikan sa New York

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Super-liwaliw sa New York City ang lovers na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera matapos ang hiwalay nilang trabaho sa San Die­go (ni Yan Yan) at sa Chicago (ni Dong).

Ibinalandra ng manager ni Dong na si Perry Lansingan ang matatamis nilang halikan sa isang kalye sa NYC kung saan terno pa sila ng damit na kulay pink, huh! Pagdating kinagabihan ay nag-selfie naman sila sa Times Square!

Wala nga namang papansin kina Dong at Yan sa kanilang ka-sweet-an sa New York. Ordinaryong tao lang ang dating nila kaya malaya silang gawin ang gusto nila nang walang nagbabawal o nakikialam!

Kasal na nga lang kulang sa dalawa kung pagba­basehan natin ang kainggit-inggit nilang pictures. Pero hinay-hinay lang sina Marian at Dong sa aspetong ito dahil may mga commitments pa silang kailangan tugunan.

Kaya naman i-enjoy muna nila ang pagmamahalang namamayani sa puso ng bawat isa!

Sen. Jinggoy tinaob ang isyu kina Sen. Bong at Nora

Numero unong nag-trending si Senator Jinggoy Estrada kahapon sa isang website ng mga showbiz personalities. Kaugnay ‘yon ng pagsumite niya ng personal sa Camp Crame upang hindi na ihain pa sa kanya ang warrant of arrest na inilabas ng 5th Division ng Sandiganbayan para sa kasong plunder.

Tinaob ng senador ang kaibigang Senador Bong Revilla, Jr. pati na sina Nora Aunor, Bea Alonzo, Marian Rivera, Jackie Rice, Sarah Geronimo, at Anne Curtis, huh!

Kung may mga ngiti pang nakita kay Sen. Bong nu’ng kunan siya ng mug shots, lungkot sa mukha ang nabanaag kay Sen. Estrada sa mga interview sa kanya. Subalit nandoon pa rin ang tapang at pagtuligsa sa administrasyon dahil sa isa-isang pagbatikos sa kanila.

The night before pumunta sa Crame, nagkaroon muna ng renewal ng weddings si Sen. Jinggoy at asawang si Precy na inorganisa ng kanilang mga anak.

Tiis-tiis muna ang senador dahil harinawang magbago ang political scenario pagkatapos ng 2016 presidential election, huh!

Esther walang kakampi sa showbiz

Ayaw nang patulan ni Tita Annabelle Rama ang mga bagong hinaing ng mother ni Sarah Lahbati na si Esther na may pahaging na siya ang nag-alaga kay Zion nu’ng panahong hindi pa ito isinasapubliko ng pamilya Gutierrez.

Mas hinikayat ni Tita Annabelle na panoorin ang reality show ng pa­milya nu’ng Linggo kesa abangan ang mga pasabog na tweets niya. Kinampihan ni Ruffa Gutierrez ang pagiging mahinahon ng ina dahil gusto niyang mangibabaw ang pagiging positibo ng pamilya.

Hindi maiiwasang mas marami ang makisimpatiya kay Tita Annabelle. Siya kasi ang mahal ng showbiz, eh ang madir ni Sarah naman walang karisma upang mapalapit sa showbiz lalo na sa entertainment press.

Isaalang-alang na lang ng nanay ni Sarah ang kanyang anak na ngayon lang uli bumabawi sa career niya sa showbiz pati na ang apo niya na wala namang malay sa kaguluhang nangyayari sa bawat pamilya, huh!

Mayor Erap maraming sorpresa sa mga Manileño

The show must go on para kay Manila Mayor Joseph Estrada ngayon na Araw ng Maynila. Matapos niyang ihatid ang anak na si Sen. Jinggoy sa Camp Crame, ang gagawing activities sa araw ng lungsod na pinamamahalaan ang aasikasuhin niya ngayon.

Ang highlight ng Manila Day ay ang pagbabalik sa stage ng Miss Manila 2014 na gagawin tonight sa PICC. Kinumisyon man ng mayor ang Viva Communications upang i-stage ang pageant, mananatili ring tutok si Mayor Erap sa patimpalak na ito.

Bukod sa Miss Manila 2014, marami pang sorpresang inihandog si Mayor Joseph sa nasasakupan niya sa Manila.

 

vuukle comment

ANNE CURTIS

BEA ALONZO

CAMP CRAME

JINGGOY

MARIAN RIVERA

MAYOR ERAP

MISS MANILA

TITA ANNABELLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with