^

Pang Movies

Nagtampo kasi Maricel biglang sinunggaban ng halik ni Dingdong

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Masayang nagkuwento ang Diamond Star na si Maricel Soriano nang dumalaw kami sa taping ng Ang Dalawang Mrs. Real ng isang eksenang tinawag niyang ‘bubuyog scene.’ Bakit ‘bubuyog,’ kinagat ba siya literally ng bubuyog sa set?

“No, ganito kasi iyong eksena, as Millet, sinurpresa namin ng adopted son naming si Tonton ni Anthony (Ding­­dong Dantes), na pinuntahan namin sa Cebu,” kuwento ni Marya.

“Akala ko matutuwa si Anthony na sumunod kami sa mama at papa niya (Coney Reyes at Jaime Fabregas res­pectively) sa pagdalaw sa kanya, pero na-offend ako dahil hindi pa kami nagtatagal sa hotel, tinanong na ako ni Anthony kung kailan kami babalik sa Maynila.

“Bilang babae, siyempre pa, nagtampo rin ako at nag-emote, nagsasalita pa ako, bigla niya akong hinalikan sa lips. Ano ba yon, biglang may bubuyog sa labi ko. Kaya wala na, natigil na ang kasasalita ko,” pagkukuwento pa ni Maricel.

Binati namin si Maricel dahil maganda ang natatanggap na feedback gabi-gabi ng drama series nila, bukod sa magandang story, ang mahuhusay na acting ng buong cast ng series, like Coney, Jaime, Celeste Legaspi, Robert Arevalo, Tommy Abuel, at Susan Africa. 

Julia at Enrique enjoy sa isa’t isa

Maganda palang influence si Enrique Gil sa ka-love team na si Julia Barretto nang magkasama sila sa afternoon drama series nilang Mirabella.

Bilang teener, inamin ni Julia na paborito niyang kainin ay mga junk food, pero nang i-introduce sa kanya ni Enrique na ang diet niya to maintain his good body and heart ay ang San Marino Corned Tuna, napagaya na raw siya dahil nakikita niyang enjoy si Enrique kahit ang kinakain lamang nito ay crackers at San Marino Corned Tuna, kaya tinanong niya kung ano ang benefits nito sa ka-love team. 

Hindi naman nagkait si Enrique at sinabing ang be­ne­fits nito sa body dahil less oil, lots of tuna na very good for the body, no preservatives at madali pang kainin lalo na kung nasa location sila.  Lately nga raw ay laging na­kikitang magkasama ang dalawa kahit papatapos na ang Mirabella. Sila na raw bang dalawa?  O alam na nilang ito ang tama para sa kanilang mga puso?

“Pareho po kaming nag-enjoy ni Julia nang kami ang pagsamahin para sa TV commercial shoot dahil kami ang bagong endorsers ngayon ng San Marino Corned Tuna,” sabi ni Enrique.  “Natikman na namin ang produkto at masasabi naming ito na talaga ang tama sa aming mga puso.”

“Saka ibinagay po sa amin ni Enrique ang concept ng shoot, enjoy ang shoot namin na nagba-bike kami, naglalakad/tumatakbo sa beach, may kasama pa kaming aso, masaya,” dagdag naman ni Julia.

 

vuukle comment

BILANG

CELESTE LEGASPI

CONEY REYES

DIAMOND STAR

ENRIQUE

ENRIQUE GIL

JULIA

SAN MARINO CORNED TUNA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with