^

Pang Movies

Angel mawawalan na naman ng oras kay Luis

Mary Rose G. Antazo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Fresh from the success of the hit teleserye The Legal Wife ang beauty ng Kapamilya actress na si Angel Locsin at kasabay pa nito ang magandang takbo ng relasyon niya with Luis Manzano. Everything is falling into places especially when it comes to her love life kaya naman mukhang wala nang mahihiling pa ang aktres sa happiness na natatamo niya ngayon.

Sobrang thankful din siya dahil naiintindihan ni Luis ang demand ng kanyang trabaho lalo na noong hataw ang tapings nila for The Legal Wife. Halos limited na lang ang time nila sa isa’t isa pero nabibigyan pa rin naman daw niya ng quality time ang boyfriend.

“Napakaswerte ko talaga. Nagpapasalamat ako na gano’n ‘yung boyfriend ko, kasi hindi naman lahat nakakaintindi sa trabaho naming,” sabi niya sa isang TV interview.

Overwhelmed din daw si Angel sa ipinakitang suporta ng kanyang boyfriend sa kanyang serye.

Dagdag pa ng dalaga: “Ang sarap ng pakiramdam ‘pag proud sa’yo ang karelasyon mo. Gano’n ‘yung pinaparamdam niya sa akin, at ibabalik ko lang ‘yon sa kanya. At saka nakaka-proud din naman talaga siya.”

Ayon pa kay Angel, mukhang totoo ang kasabihang ‘love is lovelier the second time around’ sa kanila ni Luis dahil mas nag-mature at seryoso na sila ngayon sa kanilang relasyon.

 May pinaghahandaan na rin daw siyang next project na siguradong magugustuhan ng kanyang mga fans.

“Hindi ko alam kung allowed na ako magsalita pero ngayon naghahanda na ako para sa next project ko. Basta abangan n’yo na lang kung anong mangyayari,” pahayag pa ni Angel Locsin.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

AYON

DAGDAG

GANO

KAPAMILYA

LEGAL WIFE

LUIS

LUIS MANZANO

NAGPAPASALAMAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with