^

Pang Movies

Sarah ibinubuyangyang na talaga si Matteo

- Vinia Vivar - Pang-masa

Sa panayam kay Sarah Geronimo sa TV Patrol ay kinumpirma niya na nag-level-up na nga ang relasyon nila ni Matteo Guidicelli. Ito rin siguro ang dahilan kung bakit mas open na sila ngayon sa pagpapakita ng sweetness nila in public.

Marami nang larawan nila ang lumalabas sa social media na nagpapakita ng kanilang sweetness at ang pinaka-latest nga ay ang picture kung saan ay makikita si Matteo na mahigpit na nakayakap nang bonggang-bongga kay Sarah.

“Eh proud naman kasi kami talaga. Oo, saka happy naman tayo,” she said.

Pero sa kabila nito ay wala pa rin namang kumpirmasyon mula sa Pop Star kung mag-on na nga ba sila. Ano pa ba ang ibig sabihin na nag-level-up na ang relasyon nila? Di ba’t yun na nga ‘yun?

Ang isa pang kinumpirma ni Sarah ay may blessing daw ng kanyang magulang ang bawat paglabas nila ni Matteo which means, llamado na talaga ang aktor sa pamilya.

 â€œThankful ako du’n sa tao (Matteo) kasi siya lang ‘yung ganu’n, eh. Siyang lang ‘yung. . .basta,” say pa ni Sarah.

Pero love team man sila in real life, ayaw ng aktres/singer na maging love team din sila on screen. Kaya medyo malabong mapanood natin sila sa isang proyekto na magkapareha. Say ni Sarah, ayaw daw niyang pagsamahin ang kanyang love life and career.

“Ayoko kasing ma-tag kami ng love team. Ayoko na, ‘di ba? Siyempre, personal naming buhay ‘yun.”

Sarah also revealed na ang hinahanap niyang katangian sa isang lalaki ay tulad sa ama niyang si Delfin Geronimo.

“Kung magkaka-asawa ako, sana, katulad talaga ng daddy ko,” she said.

Serye ni Julia magbababu na

Ang Mirabella pala ang magtatapos na at hindi ang Dyesebel dahil mahaba pa raw ang lalakbayin ng fantaseryeng pinagbibidahan ni Anne Curtis.

Magtatapos ang Mirabella na mataas ang ratings kaya wala na raw mahihiling pa ang bidang si Julia Barretto. Sobrang happy ng young actress na nag-hit agad ang first fantaserye niya at naikukumpara pa siya sa kasikatan noon ng Tita Claudine Barretto niya.

Marami kasi ang nagsasabi na kamukhang-kamukha siya ng Tita Claudine niya noong nagsisimula pa lang ito at muk­hang mauulit sa katauhan niya ang mala­king tagumpay na narating ng tiyahin.

Fans tuloy ang pag-iilusyon kina James and Kris

Larawan ng isang masayang pamilya ang pic­ture na ipinost ni Kris Aquino sa kanyang Ins­tagram last Friday kung saan ay makikita silang tatlo nina Bimby at dating asawang si James Yap.

Kuha ang larawan mula sa dressing room ni Kris kung saan ay inaayusan siya for a commercial shoot at dumaan lang umano si James.

Makikita sa picture na nakahawak sa binti ni Bimby si James habang ka-hol­ding-hands ng bagets si Kris na inaayusan ng make-up artist.

 Sa caption ay nakalagay ang “Cool lang kaming lahat. Happy Father’s Day, James”.

Umani ng reaksyon ang nasabing larawan at marami ang na-sweet-an sa kanilang tatlo. Ang iba ay sinasabing kinilig daw sila.

May mga nag-comment pa na tila gusto nilang magkabalikan pa sina James at Kris tutal naman daw ay may anak sila.

Well, wala namang imposible but right now, alam naman nating may karelasyon si James and besides, parang walang-wala naman ito sa isip nila and sabi nga ni Kris, she feels awkward kapag tinutukso sila dahil talagang friends na lang sila.

vuukle comment

ANG MIRABELLA

ANNE CURTIS

AYOKO

BIMBY

DELFIN GERONIMO

HAPPY FATHER

JAMES

MATTEO

SILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with