^

Pang Movies

RJ nag-aambisyon ng maraming trabaho

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Sa set visit ng Dading nakakuwentuhan namin si Gabby Eigenmann at ayon dito overwhelmed siya nang matanggap ang balitang bida na siya at title role pa sa bagong teleserye.

Nagbabakasyon siya sa Japan nang matanggap ang balitang may gagawin siyang proyekto kung saan sa kanya iikot ang istorya bilang si Dading na gaganap na bading na mag-aampon sa batang babae.

Hindi na bagito si Gabby sa gay role dahil nakalabas na siya sa ganitong karakter sa pelikula at telebisyon.

Malaking break naman para kay RJ Padilla na mapasama sa Dading kung saan siya ang gaganap na user na boyfriend ni Gabby. At 21 may pangarap itong magtagal sa showbiz at makagawa ng maraming pelikula. Okey lang sa kanyang maging kontrabida.

Inamin nito na hindi pa siya payag na makipaghalikan sa kapwa lalaki kahit markado pa ang kanyang role na gagampanan kung saka-sakali.

Supportive naman ang kanyang daddy Rommel sa kanyang career.

Winwyn ini-enjoy ang pagiging maldita

Ang galing-galing umarte ni Winwyn Marquez bilang si Macy sa Kambal Sirena. Magaling siyang kontrabida na kaagaw sa pag-ibig ni Pearl (Louise delos Reyes) kay Aljur Abrenica. Kahit sa mukha ay nailalarawan nito ang galit at kaiinisan mo siya talaga.

Nang makausap namin nun ang aktres si­na­bi nito na okay lang sa kanya na malinya sa cha­racter role dahil mas marami ang trabaho na naibibigay sa kontrabida.

 

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

GABBY EIGENMANN

INAMIN

KAHIT

KAMBAL SIRENA

MACY

MAGALING

SIYA

WINWYN MARQUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with