^

Pang Movies

Venus namimigay ng silya sa mga eskuwelahan

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Kahit zero ang love life ni Venus Raj, marami naman daw siyang pinagkakaabalahan ngayon kaya wala rin daw siyang panahon para isipin ang pakikipag-boyfriend.

 â€œMeron kaming binuong group kasama ang mga classmates ko sa UP Diliman at iba pang kaibigan, it’s called Project ARAL.

 â€œARAL stands for Advancement for Responsive and Accessible Learning. And ito ang isa sa talagang gusto kong gawin noon pa lang—ang magkaroon ng sariling grupo. 

 â€œPangarap ko ang magkaroon ng volunteer group, a NGO (non-government organization), or a foundation. And we are hoping that in the future, mas maraming sumuporta,” sey ni Venus.

May natulungan na silang mga kabataan na mga nag-aaral sa Muslim school na Madrasa sa Culiat, Quezon City.

 â€œNagkaroon kami ng turnover ng mga wooden chairs sa Madrasa. And with other partners, sponsors, and other volunteer groups also, we were able to accumulate one hundred chairs and give it to the school.”

Kasama si Venus bilang bagong endorser ng Pizza Hut with Manny Pacquiao and Ariella Arida.

Natapos na pala ang first season ng kanyang travel-magazine show na Business Flight sa GMA News TV kung saan kasama niya si Ms. Cristina Decena. Hinahanda na nila ang second season nito.

Kasalukuyang nasa Toronto, Canada ngayon si Venus dahil um-attend ito ng Toronto Fashion Week.

Male celeb, enjoy na enjoy na pinatatakam ang mga bading!

Mapaglaro ang male celebrity na ito kapag alam niyang pinagnanasaan siya ng mga kapwa niya lalaki.

Kapag alam niyang type siya ng isang bading, may gagawin siya para mas lalong mabaliw sa kanya ito.

Pero parang panunukso lang ang ginagawa niya at mambibitin siya. Natutuwa siya sa reaction ng bading kapag alam niyang nabitin ito sa kanya.

Sa isang kilalang gym pumupunta ang male celebrity na ito. Sa naturang gym ay maraming bading na nagpapanggap na tunay na lalaki. Malalaki rin ang mga katawan nila at sumasabay sila sa workout ng mga berdaderong lalaki.

Hindi naman homophobic ang male celebrity na ito, pero umiiwas na rin siyang mabiktima ng mga pekeng lalaki.

Nakaranas na kasi siya noon na magoyo ng mga nagpapanggap na lalaki sa isang shower room. Wala pa kasi siyang kamuwang-muwang noon dahil isa pa siyang probinsyano noon.

Ngayon ay mas marami na siyang alam at hilig niya ay manukso ng mga alam niyang bading pero bibitinin niya ito.

Tulad na lang sa mga mahilig tumambay sa locker room, bigla na lang maglalakad na naka-underwear si male celebrity sa harap ng mga pamintang durog. Kunwari ay nakikipagkuwentuhan ito at panay ang hawak niya sa garter ng kanyang underwear.

Kitang-kita ang pagiging hayok ng mga pamintang durog sa kanyang magandang katawan. Pero bigla na lang niyang tatakpan ng tuwalya ang sarili niya at magpapaalam na siya. Natatawa na lang si male celebrity sa reaction ng mga ito.

Kaya kilala na ang male celebrity sa naturang gym na isang “cock teaser”. Pero kahit nambibitin siya, inaabangan pa rin siya ng mga pamintang durog dahil sa libreng show na ginagawa niya para sa kanila.

Sikat na DJ na si Casey Kasem, sinunod ng mga anak na tanggalan ng life support

Nagdesisyon na ang mga anak ng legendary DJ na si Casey Kasem na tanggalin na ang life support system dito at hintayin na lang nila kung kelan ito mamaalam.

Nasa isang ospital sa Washington state ang 82-year old na si Kasem at na-withhold na ang anumang medication, food, and fluids.

May pinanghahawakan na health directive documents ang mga anak ni Kasem at nakalagay dito na huwag siyang lagyan ng anumang life support system kung hindi rin lang daw ito makakatulong pa.

Walang magawa ang misis ni Kasem na si Jean sa naging desisyon ng mga anak nito. Kahit na may desisyon ang korte na dapat ay i-sustain ang life support system dito, nasunod pa rin ang health directive document nito.

  

vuukle comment

CASEY KASEM

KASEM

LANG

NIYA

PERO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with