^

Pang Movies

Sex video ng government official kahindik-hindik, kakabugin ang mga sex video ng showbiz

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Walang ipinagkaiba sa showbiz ang mga isyu na kinasasangkutan ng mga government official. Nakakaloka ang palitan ng akusasyon ng isang whistle blower at ng government official na inaakusahan na may sex video.

Palaban ang whistle blower na nagbabanta na ilalabas niya ang sex video ng government official. 

Siyempre, na-excite ang mga tsismosa na naniniwala na totoo na sangkot sa sex video scandal ang kontrobersyal na government official.

Ang feeling nila, walang binatbat ang sex video ng go­vern­ment official sa mga sex video ng mga artista. Please lang, huwag kayong mag-assume. To see is to believe. Hintayin n’yo muna kung talagang may video ‘no!

INNAMORATA SORPRESA ANG ENDING

May surprise appearance sa ending ng Innamorata ang young actress pero nag-request ang production staff na huwag i-reveal ang kanyang pangalan.

Nagbida na rin sa isang telefantasya ng GMA 7 ang young actress at bagay na bagay ang karakter na ginampanan niya sa kuwento ng ending ng Innamorata.

Isa lang ang maibibigay ko na clue tungkol sa identity ng young actress. Kontrobersyal siya at pinag-usapan ang kuwento nang hiwalayan nila ng kanyang dyowa.

Ryan nakipag-meeting na sa mga bossing ng TV5

Pahulaan kung babalik si Ryan Agoncillo bilang host ng Talentadong Pinoy pero isang bagay ang sigurado. Nakipag-meeting na si Ryan sa mga big boss ng TV5 at nangyari kahapon ang kanilang pag-uusap.

Si Ryan ang original host ng Talentadong Pinoy na isa sa mga top rating talent search show ng Kapatid Network.

Nang mag-goodbye sa ere ang Talentadong Pinoy, nag-ober da bakod si Ryan sa GMA 7 dahil siya ang napili na host ng game show na Picture! Picture.

Bukod sa game show, si Ryan ang bida sa Ismol Family, ang sitcom ng GMA 7 na pampamilya.
Hintayin natin ang official announcement ng TV5 kung matutuloy ang pagbabalik ni Ryan bilang host ng Talentadong Pinoy na matagal na nama­yagpag sa telebisyon.

Joshua at Jopay natuloy din sa altar

Mahaba man ang prusisyon, sa simbahan pa rin ang urong at nangyari ito kina Joshua Zamora at Jopay Paguia na ikinasal kahapon sa Fernwood Gardens sa Quezon City.

Napaluha si Jopay habang naglalakad sa aisle dahil hindi niya akalain na darating ang araw na matutupad ang kanyang dream na maging Mrs. Joshua Zamora.

Sariwa pa sa utak ng televiewers ang pagluha ni Jopay sa TV dahil naghiwalay sila ni Joshua.

Walang nag-akala na magkakabalikan sila at magkakaroon ng happy ending ang kanilang relasyon.

Kabilang sa mga wedding sponsor sina Senator JV Ejercito at ang mag-asawang Gary Valenciano at Angeli Pangilinan.

Mga abay naman sa kasal ang mga member ng Sexbomb at D’ Manouvers. Nakiluha kay Jopay ang kanyang mga kaibigan at kamag-anak na tuwang-tuwa dahil sila pa rin ni Joshua ang nagkatuluyan.

Bago naganap kahapon ang kanilang garden wedding, ikinasal ni Quezon City Mayor Herbert Bautista sa isang civil rites sina Joshua at Jopay.

 

vuukle comment

ANGELI PANGILINAN

FERNWOOD GARDENS

GARY VALENCIANO

HINTAYIN

INNAMORATA

JOPAY

RYAN

TALENTADONG PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with