^

Pang Movies

Claudine todo ang ginagawang pagpapayat

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

For a change ay bisi-bisihan sa pagpo-post si Claudine Barretto ng mga diet food na nilalantakan niya, na obviously dahil goal niyang magpapayat with matching juice pa para lalong mapabilis ang pagbawas ng timbang ng aktres.

Consistent pa ang posting ni Claudine sa social media mula breakfast, lunch, at dinner bilang promo na rin sa nagsu-supply sa kanya.

Maganda na rin ang aura ni Claudine at parang gustong sabihin na puwede na uli siyang magtrabaho.

Siya mismo ang nagsabi na gusto raw niya ng good vibes sa kanyang paligid kaya todo smile siya na akala mo ay everyday may pictorial ang aktres habang hawak ang kanyang diet juice. Kaso ayaw naman siyang tantanan ng mga nagsusulsol at nakikisawsaw sa alitan ng pamilyang Barretto, kahit nananahimik muna ang magkakapatid na sina Marjorie at Gretchen sa kanilang mga bangayan.

Mga housemate ni Kuya kakaiba nang maghawakan!

Mabuti naman sinaway ni Big Brother sa loob ng Pinoy Big Brother house ang mga bagets na sina Joshua Garcia, Loisa Andalio, at Jane Oineza sa mga para-paraan nilang pahimas-himas, pahawak-hawak sa mga bestfriend kuno kung ituring sa PBB.

Pati tuloy ang lola namin sa bahay ay naha-high blood dahil konting kibot lang ng mga housemate, may hawakan at yakapan agad. Ano kaya ang feeling ni Phoemela Baranda na takot na takot na may nakakausap na guys ang anak niyang si Nichole Baranda. Pero sa loob ng PBB house libre na nayayakap ang anak niya kahit walang malisya pero may touch touch pa rin naman ng iba niyang kasamang adult housemates. Sana pangaralan din ni Big Brother ang lahat ng housemates na iwasan ang ganyang touching-touching nila at ipatupad ni Big Brother ang walang hawakan dahil sobrang magharutan ang housemates na feeling close lang na may paakbay-akbay at yakap-yakap pang nalalaman.

 

vuukle comment

BIG BROTHER

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

JANE OINEZA

JOSHUA GARCIA

LOISA ANDALIO

NICHOLE BARANDA

PHOEMELA BARANDA

PINOY BIG BROTHER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with