^

Pang Movies

Kris Aquino at iba pang influential women sa ‘pinas, saludo sa The Legal Wife

Pang-masa

MANILA, Philippines - Katulad sa iba pang The Legal Wife viewers sa buong mundo, mainit na usapin at pinananabikan na rin ng ilan sa mga maimpluwensiyang kababaihan sa bansa ang ‘most exciting finale’ ng love story ni Monica de Villa (ginagampanan ni Angel Locsin).

Para sa Queen of All Media na si Kris Aquino, mas nanaisin niya na malapit sa reyalidad ang katapusan ng relasyon nina Monica at Adrian (Jericho Rosales).

“Ayoko ng happy ending. Gusto ko, reality lang,” ani Kris. “Naniniwala kasi ako na kapag pinulot mo pa ang isang nabasag na relasyon na nabasag, masusugatan ka. Kaya walisin mo na lang.”

Hanga naman ang sikat na kolumnistang si Mons Romulo sa matapang na paglalahad ng tunay na pinagdaraanan ng isang babaeng napagtaksilan ng kanyang minamahal na nagawang bumangon para sa kanyang anak at pamilya.

“Ang daming lessons na matutunan sa show. Kahit napagdaanan ko na, may natutunan ako. Salamat sa The Legal Wife dahil napapakita nila ang tunay na lakas ng pagiging isang legal wife at ‘yung pagka-sagrado ng kasal. Tama ang ginawa ni Monica, pinakita niya na kaya niyang maging masaya nang mag-isa,” pahayag ni Mons kaugnay ng serye na handog ang isang ‘most exciting finale’ para sa viewers sa susunod na Biyernes (Hunyo 13).

Gaya ni Mons, saludo rin ang TV host, producer, at negosyanteng si Daphne Oseña-Paez sa tindi ng markang nilikha ng programa sa kamalayan ng mga manonood.

“Lahat ng tao sa Facebook ngayon nagpapalitan ng opinyon tungkol sa show. Lumabas ang pagka-opinionated ng viewers dahil maraming nakaka-relate kay Monica. Naipakita sa lahat na hindi na uso ang martir na misis at dapat ‘strong wife’ na katulad ni Monica,” sabi ni Daphne.

vuukle comment

ADRIAN

ANGEL LOCSIN

DAPHNE OSE

JERICHO ROSALES

KRIS AQUINO

LEGAL WIFE

MONS ROMULO

QUEEN OF ALL MEDIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with