^

Pang Movies

‘Wag nating i-pressure sina Sarah at Matteo’ - Juday

Mary Rose G. Antazo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Very happy si Judy Ann Santos sa love life ng kanyang ‘anak-anakan’ at ‘kapatid’ na si Sarah Geronimo.

Finally, nakatagpo na kasi ito ng lalaking tunay na magmamahal at seseryoso sa kanya sa katauhan ni Matteo Guidecelli. Bagama’t hindi pa ganoon ka-open sa public ang relasyong ito, isa si Juday sa masaya para sa kalagayan ng puso ng kaibigan. 

“In fairness naman doon sa dalawa, wala ka naman pwedeng tulak kabigin kasi they respect each other. Si Matt respects the parents so much. Ganoon din si Sarah, madaming kasama. Si Matt din madaming kasama. I believe that we have to respect the privacy that they want because iyon lang naman ang gusto ng dalawang tao. If someday, kung ano man ang mangyari sa kanilang dalawa, eh ‘di let them be. They deserve it. Huwag masyadong i-pressure. Kung may pressure, minsan may hindi masyadong magandang bunga. So, sana kung paano ‘yung ibinigay na respeto sa amin before ni Ryan, hintayin natin, I’m sure time will come sasabihin din nila kung anong dapat sabihin,”  pahayag ni Juday sa interview sa kanya ng Yahoo! News.

Pero siyempre, laging handa si Juday para magbigay ng payo para kay Sarah tungkol sa usaping pam-puso.

“We’ve talked many times. What’s important is that she’s happy and she’s at the right path. Just pray for guidance and pray na everything will fall into place. Basta happy siya. Because if she’s happy, everyone will be happy,” sambit pa ni Juday.

Boto rin daw siya kay Matteo para kay Sarah dahil alam niyang bukod sa guwapo ay napakabait na lalaki rin daw ni Matteo.

“Basta masaya siya, nirerespeto siya at ang lahat. Matt is a good person. I can see na he’s really a good person. Maganda ang pagpapalaki ng magulang sa kanya. Kung ano man ang gusto nilang mangyari, hayaan natin at time will come kung ano man ang dapat mangyari ay mangyayari,” sey pa ng Young Superstar.

Meanwhile, bagama’t wala pa ngang opisyal na pag-amin tungkol sa real score ng Pop Star Princess na si Sarah at Matteo, ang kasabihang ‘action speaks louder than words’ ay mukhang mapatutunayan na. Spotted kasi sila sa isang mall sa Makati last Monday na nagdi-date.

Lately ay madalas na nakikitang magkasama ang rumored couple together with a set of common friends nila nina Judy Ann at Ryan. Bukod kasi sa hilig nina Ryan at Matteo sa biking kung saan lagi nakasuporta sina Juday at Sarah, recently ay magkakasama at tipong double date o foursome pa ang nangyari nang  manood sila ng pelikulang Maybe This Time na pinagbibidahan nina Sarah at Coco Martin sa Rockwell, Makati.

Sa Instagram post ni Juday last Monday ay nakalagay ang :”Cheers to Teptep at sa lemonade niya!!! #proudAte”

Umani ng mahigit na over 7,800 likes and some 310 comments (as of this writing) mula sa AshMatt fans ang nasabing post ng aktres. Halos iisa ang mensahe ng mga fans at ito ay halatang in love na in love at bagay na bagay daw talaga sina Sarah at Matteo.                                            

vuukle comment

COCO MARTIN

JUDAY

JUDY ANN

JUDY ANN SANTOS

MATTEO

RYAN

SARAH

SI MATT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with