^

Pang Movies

Anak nina Boyet at Sandy susubok uling umarte

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Ipinakilala ng GMA sina Gab de Leon, Lance Serrano, Vince Velasco at Rafa Siguion-Reyna bilang mga bago nilang artista. Lahat sila ay dumaan sa audition bago tuluyang nakapasok pero kasalukuyan silang nagwo-workshop.

Hindi na ipagtatanong si Gab dahil bukod sa anak siya ng mahuhusay na artistang sina Christopher de Leon at Sandy Andolong, nag-try na rin siyang umarte sa youth-oriented show na Teen Gen. Pero nag-stop muna siya at tinapos ang college degree niya on Photography sa College of St. Benilde. Hindi raw siya nagpapa-pressure dahil anak siya ng mga artista, gusto niyang makilala on his own.  Nag-try na rin si Gab sa theater, pero sa kanila lamang sa La Salle de Zobel in Ayala Alabang.

Nagsimula naman si Lance as a commercial model at sa pag-join sa JimmyYoke segment noon sa Eat Bulaga. A freelancer, nakagawa na rin siya ng maliliit na role sa ABS-CBN teleseryes. 

Tinapos din muna ni Lance ang nursing course niya sa Central Colleges of the Philippines at isa na siya ngayong Registered Nurse. Naka-join na rin siya sa Bench Uncut show in 2010 kaya biniro siya kung kaya ba niyang gumawa ng mga indie films na sexy, hindi pa raw niya kaya. 

Anak naman si Vince ng sports commentator na si Bill Velasco.  Kumukuha si Vince ng Communications Psy­chology sa Ateneo University at nakilala na rin siya nang gumanap siyang boyfriend ni Victor Basa sa My Husband’s Lover. Nakasama na rin siya sa Akin pa rin ang Bukas at Genesis.

Sa ngayon, tinatapos ni Vince ang first indie film niya, ang Cain at Abel kasama sina Aljur Abrenica at Alden Richards, sa direksyon ni Adolph Alix Jr.

First drama series ni Rafa ang Niño at happy siya sa kanyang role na medyo masama dahil right hand siya ng kontrabida sa story na si Jay Manalo. Nagkaroon daw siya ng small role sa natapos nang Rhodora X.

First stage play niya ang Grease, The Musicale at happy siya na magkakaroon daw sila ng re-run this November.

Gusto rin ni Rafa na maging franchise holder ng isang food chain. Pero ngayon, bukod sa Niño, nagsu-shooting si Rafa ng Hari ng Tundo for Cinemalaya na dinidirek ng amang si Carlitos Siguion-Reyna.

 

vuukle comment

ADOLPH ALIX JR.

ALDEN RICHARDS

ALJUR ABRENICA

ATENEO UNIVERSITY

RAFA

RIN

SIYA

VINCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with