^

Pang Movies

Melason nagulat sa pakimkim ni Kris

Mary Rose G. Antazo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tuwang-tuwa ang mag-asawang Melai Cantiveros at Jason Francisco, na tinaguriang “Melason” sa ginawang pagdalaw sa kanila ng Queen of All Media na si Ms. Kris Aquino kasama ang staff ng Kris TV. Isang napakalaking karangalan daw ang importansiyang ibinigay sa kanila ni Kris na dalawin sila at ang kanilang baby na mini Mela sa General Santos City. 

Ayon pa kay Kris, “Finally, nakilala ko na rin si mini Mela... ang tangos ng ilong at maputi. Maputi siya. Ang cute,”

 Malaking bagay din daw ang i-share sa mga tagahanga ng Melason at fans ng Kris TV ang kanilang bagong role na ginagampanan as parents sa kanilang anak. Marami raw silang natututunan sa pagiging magulang nila sa bata at ito raw ang dahilan kung bakit sila inspired to become better persons.

“Ang mga pagbabago sa amin bilang magulang is mayroon na kaming ins­pirasyon. Mas mayroon kaming dahilan para mabuhay. Sa totoo lang, natatakot na akong mamatay dahil kay baby. Kasi parang, paano kung mamatay ako, sino ang mag-aalaga kay baby? Pero dahil kay baby, mayroon na akong dahilan para mabuhay, dahilan mag-work, dahilan maging happy. Ang sarap ng feeling maging mommy,” pagbabahagi pa ni Melai.

Dagdag naman ni Jason…”Parang nagka-purpose ka at nagka-purpose rin ang buhay mo kasi nadagdagan ang inspirasyon at parang parati kang masaya. Basta iba ang pakiramdam kapag nagka-baby ka, lalo na kapag babae. Kapag babae, aalalayan mo talaga.”

Ayon pa kay Melai, mula raw nang dumating sa buhay nila ang kanilang anak ay marami na talaga ang nagbago sa kanya. Mas nag-mature na raw siya bagama’t kung minsan daw ay matigas pa rin ang kanyang ulo.

“Iba na talaga kapag may baby na. Hindi na namin iniisip ang sarili namin. Mas iisipin namin ‘yung baby. Paggising pa lang, ‘di na puwedeng maglampungan, kailangan paggising ay baby agad. May time sa ganoon pero unahin talaga ang baby. Kung gusto mong mag-date o manood ng sine, ‘di mo na basta magagawa ‘yun,” sabi pa ng komedyanteng si Melai.

“Ang pagkakaroon ng baby at pagiging mother, parang bagong learnings. Hindi puwedeng hindi ka magtatanong. Lagi akong nagtatanong sa mga kaibigan ko na mommy na. Feeling ko kasi hindi normal sa akin, pero normal lang pala,” sambit pa nito.

Samantala, bukod daw sa pag-feature sa kanila ng Kris TV, sobrang thankful daw si Melai kay Kris dahil sa ibinigay nitong “pakimkim” para sa kanilang baby. Sangkaterbang mga damit at gamit din ang handog sa kanila ni Kris. Napaka-generous at bait daw talaga sa kanya ng TV host at forever grateful daw siya rito sa pagbibigay sa kanya ng chance na maging bahagi ng show na Kris TV.

Third week of June ay pinapabalik na siya ni Kris para magtrabaho muli at maging co-host nito.

                                                               

 

vuukle comment

AYON

BABY

DAW

GENERAL SANTOS CITY

JASON FRANCISCO

KRIS

MELAI

MELAI CANTIVEROS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with