^

Pang Movies

Juday pangarap makatrabaho si Claudine

- Vinia Vivar - Pang-masa

Walang problema kay Judy Ann Santos kung magkakaroon ng offer na pagsamahin sila ng arch-rival na si Claudine Barretto sa isang pelikula. In fact, gusto nga rin daw niya.

“‘Yung kay Clau, matagal na ring usap-usapan ‘yan na magkakaroon kami ng movie together. For me, it’s a dream come true na makakasama siya sa pelikula. Parang feeling ko there should be a Juday-Claudine movie, ‘yun talaga ang pakiramdam ko. Noon pa, kung puwede n’yong i-recall ang past interview ninyo sa akin, ay nabanggit ko na siya.

So, kung matuloy man siya, eh ‘di good. Everybody happy,” sabi ni Juday nang makatsikahan ng entertainment press sa PEP List Awards night.

On her end, sinigurado ni Juday na walang magiging problema as long as maganda ang materyal.

“Walang magiging problema sa akin. Claudine is a friend. Professional kaming magiging magka­trabaho and I think we deserve to give a good movie sa mga taong sumuporta sa amin simula noong bata at dalaga kami hanggang magkaroon kami ng asawa. Deserve nila na makapanood ng magandang Juday-Claudine movie kung mag-materialize man ‘yan,” say pa ng aktres.

Natanong din si Juday tungkol sa matagal na ring usap-usapan na movie nila ni Coco Martin at say niya, naka-pending pa rin hanggang ngayon dahil na rin sa hectic schedule ng aktor.

May inaalok daw na materyal sa kanya ang ABS-CBN pero hindi pa raw niya alam kung magiging movie ba ito o teleserye. Pinag-aaralan pa raw ng management.

Katunayang wala nang away, Coco kumpare si Ogie sa isang anak

Muntik na palang sapakin ni Coco Martin noong araw ang reporter/TV-radio host/comedian na si Ogie Diaz.

Nalaman lang ito ni katotong Ogie nang ikuwento ito sa kanya ni Coco nang magkasama sila sa Walang Hanggan teleserye.

“Kasi, parang hinuhusgahan ko raw siya (sa issue) kay Katherine Luna. Ito ‘yung nabuntis nga niya si Katherine. Tapos, kung makapag-comment daw ako, nasasaktan daw siya,” kuwento ni kasamang Ogie.

Hanggang sa magkasama na nga sila sa Walang Hanggan at nag-open-up nga si Coco sa kanya.

“Doon kami nag-usap. Sabi niya, “alam mo, galit na galit ako sa ‘yo noon, gusto kitang sapakin”, tsika pa ni Ogie.

At doon na rin nagsimula ang kanilang magandang friendship. Nakilala raw nila ang isa’t isa at napatunayan niyang napakabait palang tao ni Coco at ang aktor naman, naging palagay na rin ang loob sa kanya.

Nabura na rin daw ang hindi magandang impresyon niya noon kay Coco dahil nag-open-up ang aktor sa kanya at doon niya nalaman kung ano talaga ang nangyari.

Ngayon ay kumpare pa raw niya si Coco dahil inaanak nito ang pang-apat niyang anak.

Magkasama si Coco at Ogie sa pelikulang Maybe This Time na first screen team-up ng aktor at ni Sarah Geronimo at dito ay lalo pa raw gumanda ang kanilang samahan.

Ipalalabas na ang Maybe This Time ngayong May 27 mula sa direksyon ni Jerry Lopez Sineneng. Kasama rin nila dito si Ruffa Gutierrez.

vuukle comment

CLAUDINE BARRETTO

COCO

COCO MARTIN

JERRY LOPEZ SINENENG

JUDAY

MAYBE THIS TIME

NIYA

OGIE

WALANG HANGGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with