^

Pang Movies

Tropang Potchi ng GMA 7, bibisita sa Pampanga

Pang-masa

MANILA, Philippines - Ngayong Sabado (Mayo 24) sa Tropang Potchi, samahan sina Miggy (Miggy Jimenez), Lianne (Lianne Valentino), at Lenlen (Lenlen Frial) sa isang exciting Pampanga exploration.

Panoorin ang paglalakbay nina Miggy, Lianne, at Lenlen sa Porac, Pampanga upang bisitahin ang newly-opened Sandbox na naghahandog ng mga iba’t ibang outdoor sporty adventures katulad ng giant swing, roller-coaster zipline, at aerial walk na perpekto para sa mga active travelers. Pagkatapos ng kanilang masayang adventure sa Porac, ibabahagi rin nila sa mga manonood ang kanilang pagbisita sa makasaysayang Bacolor church.

Samantala, bibisitahin nina Lola White (Nova Villa) at Nadine (Jen-Jen Chubb ng Anak Ko ‘Yan) ang kanilang mga kaibigan sa tambayan ng tropa. Sa kanilang pagbisita, mapapansin ng ating mga ka-Potchi ang pagiging sobrang mabusisi ni Nadine pagdating sa kalinisan na siya namang magpapasama ng loob ni Lola White.

Matutulungan kaya ng tropa sina Nadine at Lola White na maayos ang kanilang tampuhan?

Makisaya sa Pampanga adventure ng tropa at kwelang kuwentuhang puno ng aral kasama ang award-winning children’s program na Tropang Potchi ngayong Sabado, 9:10 AM sa GMA 7.

vuukle comment

ANAK KO

JEN-JEN CHUBB

LENLEN

LENLEN FRIAL

LIANNE

LIANNE VALENTINO

LOLA WHITE

NADINE

PAMPANGA

TROPANG POTCHI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with