^

Pang Movies

Aktres na wasak na wasak ang kredibilidad, may bagong trabaho na naman

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Wish ko lang, pahalagahan na ng isang aktres ang mala­king opportunity na ipinagkatiwala sa kanya ng isang TV network ‘no!

Tigilan na ng aktres ang kanyang mga kagagahan at ang diumano’y paggamit niya ng droga.

Kapag nagluka-lukahan pa ang aktres, wala na siyang pupuntahan dahil wasak na wasak na ang kanyang kredibilidad. Wala nang susugal pa sa kanya.

Balewala ang talent ng isang artista kung dusa ito na katrabaho at nagbibigay siya ng problema sa production staff. Maraming artista ang mas mahuhusay kesa sa kanya at hindi sakit sa ulo!

Lovi at Rocco naghahabulan sa pagbilog ng katawan

Kahapon ang farewell presscon ng Rhodora X at hudyat ito na malapit nang magwakas ang primetime drama series ng GMA 7.

May nagsabi sa akin na hanggang May 30 na lang ang airing ng Rhodora X dahil ready for telecast na ang Ang Dalawang Mrs. Real, ang teleserye na pinagbibidahan nina Dingdong Dantes, Lovi Poe, at Maricel Soriano.

Nag-umpisa nang mag-promote si Lovi ng Ang Dalawang Mrs. Real dahil guest namin siya sa Startalk noong Linggo.

Napansin ko na medyo bilugan ngayon si Lovi. Pareho na sila ng kanyang boyfriend na si Rocco Nacino na hindi rin mapigilan ang paglusog. Iba talaga kapag in love ang isang tao dahil inspired sila na kumain.

Mga salarin sa pambubugbog kay Vhong, ibibiyahe na sa City Jail

Hindi ko na nahintay ang resulta ng desisyon ni Judge Paz Esperanza Cortes ng Branch 271 ng Taguig Metropolitan Trial Court.

Inaasahan kahapon ang paglalabas ni Judge Cortes ng desis­on kung mananatili sa NBI compound o ililipat sa Taguig City Jail sina Cedric Lee at Zimmer Raz.

Ipinagdarasal ng supporters ni Vhong Navarro na ilipat sa Taguig City Jail sina Lee at Raz, lalupa’t nalaman nila na binisita na ni Judge ang selda na posibleng pagdalhan sa mga suspect sa serious illegal detention kay Vhong.

Dyesebel tigil-trabaho kahapon para sa concert ni Anne

Walang taping kahapon ang cast ng Dyesebel dahil sa Annekapal, ang Forbidden Concert ni Anne Curtis sa Smart Araneta Coliseum.

Siyempre, sinuportahan si Anne ng co-stars niya sa Dyesebel na hindi rin naman puwedeng mag-taping dahil kasali si Anne sa lahat ng mga eksena.

Isa si AiAi delas Alas sa mga nanood ng Annekapal bilang anak-anakan niya si Anne sa Dyesebel. Nagpahinga muna si AiAi sa maingay na promo ng FemiLift o Pussykip para manood ng Annekapal.

Ex husband ni Aiko may bagong anak na naman

Kaaanak lang pala ng asawa ni Martin Jickain, ang ex-husband ni Aiko Melendez. 

 Second baby na ito nila. May isang anak sina Aiko at Martin kaya magiging tatlo na ang anak ng model-turned-chef.

Useless na tanungin pa si Aiko tungkol kay Martin dahil matagal na silang hiwalay. Nakapag-move on na sila dahil nakipagrelasyon din si Aiko sa ibang mhin matapos makipaghiwalay kay Martin.

vuukle comment

AIKO

ANNEKAPAL

DAHIL

DYESEBEL

LOVI

MRS. REAL

RHODORA X

TAGUIG CITY JAIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with