^

Pang Movies

Aktres nilalayuan na, buking na ang pagiging gamitera!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Waging-wagi ang FemiLift, ang bagong endorsement ni AiAi delas Alas dahil pinag-uusapan ito ng mga sosyal at masa.

Effective na endorser si AiAi dahil napukaw ang interes ng mga kababaihan. Naengganyo sila na subukan ang FemiLift o Pussykip ng Belo Medical Clinic dahil sa magandang karanasan ni AiAi na hindi ikinahihiya ang pagpapasikip na ginawa sa kanya ni Dra. Vicki Belo.

I’m sure, maiinggit kay AiAi ang isang celebrity na hindi nagpapasapaw sa kapwa artista. Tiyak na nag-iisip ang celebrity ng gimik para matalbugan niya ang mai­ngay na endorsement ni AiAi.

Siyempre, hindi na puwedeng maging endorser ng FemiLift ang celebrity na inggitera dahil naunahan na siya ni AiAi. Bakit hindi i-try ng celebrity na pasikipan ang kanyang bibig para matigil na ang mga paninira niya sa kapwa artista?

Nuknukan ng tsismosa ang celebrity na nagpapanggap na friend ng lahat pero ang totoo, kinakaibigan niya ang mga artista na sangkot sa mga eskandalo dahil sa kanyang kagustuhan na mauna o maka-scoop ng tsismis!

Buking na buking na ang drama ng celebrity kaya iniiwasan na siya ng ibang mga artista. Nilalayuan na rin siya ng mga kaibigan na nagising sa katotohanan na user-friendly siya.

Aubrey, flat na flat ang tiyan

Nakakainggit ang katawan ni Aubrey Miles na perfect ang korte. Flat na flat din ang tiyan ni Aubrey as in parang hindi dalawa ang kanyang anak.

Proper diet at exercise ang sikreto ng sexy body ni Aubrey na nakita ko sa presscon ng Euphoria  Maxx, ang  capsule na big help sa mga kalalakihan na mabilis mapagod.

Si Aubrey at ang kanyang live in partner na si Troy Montero ang mga endorser ng Euphoria Maxx.

Sumusumpa si Troy na very effective ang Euphoria Maxx, lalo na sa intimate moments nila ni Aubrey.

Hindi ko na sasabihin pa ang mga personal na testimony nina Aubrey at Troy. Enough nang malaman ko na sobra ang laki ng tiwala nila sa Euphoria Maxx.

lt pumayag maging nanay ni carla

Nagkita kami kahapon ni Lorna Tolentino sa restaurant na pinagdausan ng presscon ng Euphoria Maxx.

Nakipag-meeting si LT sa mga bossing ng GMA 7 para sa bagong teleserye ng Kapuso Network na pagbibidahan nila nina Carla Abellana at Rhian Ramos.

Tinanggap ni LT ang project dahil maganda ang kanyang role. Siya ang gaganap bilang nanay ni Carla na puwedeng mapagkamalan na kapatid lamang niya dahil bagets looking si LT, lalo na kapag walang make up.

Hindi ko pa alam ang ibang mga artista na makakasama ni LT sa teleserye na agad na uumpisahan ang taping.

Ikinatuwa ng fans ni LT ang balita na may bagong show siya dahil matagal-tagal na rin mula nang mapanood siya sa primetime series na pinagbidahan nila ni Dingdong Dantes.

PEP awards inimbita lahat ng artista

Tuloy na tuloy na ang The PEP List Awards sa May 20 at gaganapin ito sa Solaire Resort and Casino.

Mga host ng awards night ng PEP sina AiAi delas Alas at Lucy Torres-Gomez. Inaasahan na star-studded ang The PEP List Awards dahil invited ang mga artista ng GMA 7, ABS-CBN, at TV5.

Malamang na mag-win ng award ang isang sikat na aktres na pinagdududahan na hindi dadalo dahil hindi niya type ang mga comment ng mga Pepster sa lahat ng mga isyu na kanyang kinasasangkutan.

vuukle comment

AIAI

ARTISTA

AUBREY

AUBREY MILES

BELO MEDICAL CLINIC

DAHIL

EUPHORIA MAXX

LIST AWARDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with