^

Pang Movies

Claudine hindi nauubusan ng pasabog Kasal nila ni Raymart peke raw!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Gustong malaman ng publiko ang re­aksyon ni Raymart Santiago sa pasa­bog ni Claudine Barretto na fake ang kanilang kasal.

Si Raymart lang ang puwedeng kumontra sa ipinagtapat ni Claudine sa Startalk dahil siya ang nag-ayos ng kanilang civil wedding sa Isabela at garden wedding sa Tagaytay City noong 2006.

Hindi pa matatapos ang mga isyu tungkol sa mag-asawa dahil may mga kaso sila sa korte at hindi nauubusan si Claudine ng mga pasabog.

Sa rami ng mga nangyari, napaka-imposible na magkasundo o magkabalikan sina Raymart at Claudine. Ang panahon lamang ang makagagamot sa mga sama ng loob na nararamdaman nila.

Painting ni Heart kasama sa collection ng Villar family

 Collector ng mga painting ang Villar family kaya hindi ako nagtaka nang mabalitaan ko na bumili si Congresswoman Cynthia Villar ng painting ni Heart Evangelista.

Dumalo pa nga si Mama Cynthia sa ope­ning night ng one-woman-exhibit ni Heart sa Artist Space ng Ayala Museum noong B­iyernes.

   Nakita ko ang koleksyon ng paintings ng Villar family sa bahay nila sa Las Piñas City. Naloka ako dahil sa life-size Amorsolo pain­ting na naka-display sa tahanan ng mga Villar. Imposible na manakaw ang Amorsolo pain­­­ting dahil sobrang laki nito.

Lovi itinangging nagsiping sila ni Rocco sa Europe

“What we have is something beautiful,” ang sabi ni Lovi Poe tungkol sa relasyon nila ni Rocco Nacino.

Hindi umamin pero hindi rin nag-deny si Lovi na boyfriend na niya si Rocco. Basta ang sabi niya, “dating” ang status ng kanilang relasyon.

Pinuri-puri ni Lovi  si Rocco na good-looking ito at pinatatawa siya palagi. Nakilala nang husto ng dalawa ang isa’t isa nang magbakasyon sila sa Europe.

Itinanggi ni Lovi na nag-stay sila ni Rocco sa iisang kuwarto. Nag-check in sila sa hotel na may connecting rooms kaya may pagitan na pinto ang kanilang mga kuwarto.

Hindi man umamin si Lovi, sa kabila ng pa­ngu­ngulit sa kanya ni Heart, halatang-halata na in love na in love siya kay Rocco.

Donita mangiyak-ngiyak nang makita ang naiwang asawa’t anak

Inikot nina Donita Rose at Gladys Reyes ang lahat ng mga programa ng GMA 7  dahil super promote sila sa kanilang variety show na magsisimula ngayon, ang Basta  Every Day Happy.

Two years na pala ang nakalilipas mula nang mag-goodbye sa showbiz si Donita Rose pero hindi gaanong napansin ang kanyang pagkawala.

 Balik-telebisyon si Donita dahil isa siya sa mga host ng Basta Every Day Happy. Nangilid ang luha ni Donita nang mapanood nito ang VTR greetings ng kanyang asawa at anak na naiwan niya sa  Las Vegas.

Nalungkot si Donita dahil  first Mother’s Day na hindi niya kapiling ang kanyang mister at anak.

Suportado ng pamilya ni Donita ang pag-uwi niya sa Pilipinas at pagbabalik sa mundo ng telebis­yon. Hindi naman idine-deny ni Donita na na-miss niya ang showbiz.

Mga pelikula ni Sarah laging pinipilahan

Congrats kay Sarah Geronimo dahil siya ang 2013 Box Office Queen ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation.

Walang pumalag sa pagkakapili kay Sarah bilang Box Office Queen ng 2013 dahil  pinilahan sa takilya ang It Takes a Man and a Woman, ang pelikula nila ni John Lloyd Cruz na tinanghal naman bilang 2013 Box Office King.

Kumikita  ang mga movie  project ni Sarah, kahit once a year kung gumawa siya ng pelikula. Inaasahan na pipilahan din sa box office ang pelikula nila ni Coco Martin.

 

vuukle comment

BOX OFFICE QUEEN

DAHIL

DONITA

LOVI

ROCCO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with